Ria Atayde sa mga online bashers and bullies: "Does it make people happy to make people sad and to hurt people’s feelings?"

Gaya ng ibang celebrities, nakaranas at patuloy na nakakaranas ng online bullying si Ria Atayde. “I received messages like, ‘Hoy, baboy,’ ‘Ang taba-taba mo,’ ‘Ang pangit mo,’ ‘Hoy, baboy mamatay ka na…’ Like, really, does it make people happy to make people sad and to hurt people’s feelings?”
Si Ria Atayde ang bagong Calendar Girl ng White Castle Whisky. Ito rin ang unang pagkakataon na nagpa-seksi si Ria sa kanyang mga pictorial. At hindi lamang ang mga magulang at kapatid ang buo ang suporta kay Ria, kundi maging ang kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo.
“Okey naman sa kanila. Very supportive sila, maganda raw and happy sila na it’s done very tastefully,” saad ni Ria sa ginanap na media launch niya sa Pandan Asian Restaurant bilang White Castle Whisky Calendar Girl 2023 na incidentally ay kasabay rin ng pagdiriwang ng ika-60 anniversary ng nasabing liquor brand.
Suportado nga raw siya ni Zanjoe.
“Supportive, very supportive to everything,” sey niya.
At hindi naman daw isyu kay Zanjoe kung nagpapa-seksi man siya rito.
“Hindi naman po yata,” natatawang sagot niya. “Tanungin niyo na lang po siya.”
At nilinaw din naman ni Ria na hindi naman niya kailangang magpaalam dito.
“At this point po kasi, I wanna be accountable for my decision. So, walang pagpapaalam, more pagpapaalam (to inform).”
Hindi naging mahirap kay Ria na tatanggapin ang alok na maging Calendar Girl ng White Castle Whisky dahil sakto ang campaign ngayon ng brand sa kanyang advocacy na body positivity.
Nabago nga ni Ria ang “norm” ng karaniwang calendar girls dahil hindi naman kaila na kabilang siya sa mga voluptuous kind pag dating sa kaseksihan. Nakasanayan noon na mga sobrang payat o slim ang tina-tap na maging Calendar Girl. But this time around, WCW’s thrust is that beauty is diverse and should be inclusive.
Gayunpaman, inaasahan na ni Ria na may mga magne-nega o mambabash pa rin sa kanya at sa pagkakapili sa kanya bilang calendar girl
“Yeah, oo naman, oo naman, that was in consideration. That’s part of the pros and cons. It’s inevitable,” saad niya.
Unbothered na rin siya kung sakali sa mga bashing?
“Yeah, but I think, being unbothered is a choice. So I choose to be unbothered.”
Ani Ria, ang importante ay tanggap na n’ya kung ano siya, with all her imperfections and flaws. That’s the first step daw to peace of mind.
Pero aminado rin siyang ang journey n’ya to her advocacy now, which is body positivity, ay hindi rin naman naging madali.
“You know, I think a lot of my time… I grew-up in an all-girls school with lots of skinny, pretty girls. My barkadas were like… lahat sila, sobrang papayat.
“So, it’s something that I’ve struggled with talaga. Like I’ve said, it’s only through my experience in showbiz that I learned to be a lot more accepting with myself,” pagbabalik-tanaw niya.
At gaya ng ibang celebrities, nakaranas at patuloy na nakakaranas ng online bullying si Ria.
“I received messages like, ‘Hoy, baboy,’ ‘Ang taba-taba mo,’ ‘Ang pangit mo,’ ‘Hoy, baboy mamatay ka na…’ Like, really, does it make people happy to make people sad and to hurt people’s feelings?
“You know, words stick,” patuloy niya. “I love reading article and there’s this 72 years old na parang, the mom said, ‘You don’t sing well’ when they we’re younger and up to this day, hindi pa rin siya kumakanta dahil do’n.”
And she’s lucky daw na hindi ganoon ang kanyang mga magulang. Mas concern daw ito sa kanyang medical health niya kesa sa kanyang physical traits.
“They care more about the medical health and the overall look. As long as I’m okay medically, I’m okay.”
Samantala, nagsimula bilang magkaibigan hanggang sa maging boyfriend/girlfriend na nga sina Ria at Zanjoe.
Mas okay nga ba talaga ang scenario’ng “friends turned lovers?”
“I feel like being friends is always a good place to start for any relationship. Getting to know each other on that level and then progressing it is always a beautiful start,” aniya ng articulate na dalaga.
Nauna na ngang naglabasan ang mga pictures nilang dalawa ni Zanjoe, lalo na ang mga larawan na kuha nitong nakaraang Holidays na kabilang na si Zanjoe sa selebrasyon ng pamilya Atayde.
Kaya para kay Ria, hindi na rin naman kailangan ng formal na pag-amin.
“I feel like it’s all out in the open anyway. I think, there’s no need to deny nor confirm. I feel like it’s already out. So, take it for what it is, I guess.”
At dahil kapwa naman sila nasa hustong edad na ni Zanjoe, hindi maiwasang matabing si Ria kung napag-uusapan na ba nila ang kasal.
“I didn’t say I’m not there yet, I’m just saying if that is what’s meant for me and then it will happen. If it’s not meant for me this year, e, ‘di, hindi pa. When it happens, it will happen.”
Huling hirit namin: Nakikita ba niyang husband material ang boyfriend?
“Hala… we’ll see po,” natatawang sagot niya.
YOU MAY ALSO LIKE:
Ria Atayde, may sagot sa parinig ng inang si Sylvia Sanchez na inip na itong magka-apo
Ria Atayde, maayos na ang lagay matapos magpa-opera ng spine
EXCLUSIVE: Ria Atayde answers Random Questions from pikapika!
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment