PHOTOS: @chic2garcia & @jennicagarciaph on Instagram Dahil wala si Jennica Garcia sa birthday celebration ng mama niyang si Jean Garcia ay babawi na lang daw sila pagka-uwi n’ya galing sa lock-in taping. Naglambing pa s’ya ng French seafood soup sa mama n’ya dahil na-miss n’ya na daw ito maging ang mga luto nito. “So, tirhan n’yo ako kung ano mang ulam n’yo today. Paabutin n’yo ’yan ng September 7. Mama, please make Bouillabaisse soup for me. I super miss your cooking. I love you, Mama,” saad ni Jennica. Hindi umano napigilan ng seasoned actress na si Jean Garcia na maiyak sa ipinadalang birthday video greeting ng anak n’yang si Jennica Garcia . Jean turned 53 years old yesterday, August 22, at sobrang na-touch daw s’ya sa ipinadalang video ng daughter n’yang kasalukuyang nasa lock-in taping ngayon. Sa tuwa ay nai-post ng Kapuso actress sa Instagram ang video ng anak para ibahagi sa kanyang mga tagahanga at kaibigan “Mama, happy, happy birthday, Madam. Maligayang ka...
Comments
Post a Comment