Pakiusap ni Ice Seguerra sa mga senador: "Tama na ang delaying tactics…I-plenary na ang SOGIE Equality Bill."


Paki-usap ni Ice Seguerra sa mga mambabatas na huwag na sanang i-delay pa at isagawa na ang pagdinig para sa SOGIE Equality Bill. "Tama na ang delaying tactics. Tama na ang pasikot-sikot. Senators, stop hiding and stop delaying. I-plenary na ang SOGIE Equality Bill. #SOGIEEqualityNow #SaveEquality."

PHOTOS: @iceseguerra on Instagram

Paki-usap ni Ice Seguerra sa mga mambabatas na huwag na sanang i-delay pa at isagawa na ang pagdinig para sa SOGIE Equality Bill. “Tama na ang delaying tactics. Tama na ang pasikot-sikot. Senators, stop hiding and stop delaying. I-plenary na ang SOGIE Equality Bill. #SOGIEEqualityNow #SaveEquality.”

Naglabas ng panawagan ang singer-songwriter and actor-director na si Ice Seguerra para sa mga kapwa niya members ng LGBTQIA+ community at sa mga senador ng bansa.

Tungkol ito sa nakarating umano sa kanya na balak i-delay ang deliberation para sa sinusuportahan niyang SOGIE Equality Bill.

Ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality Bill, na kilala rin bilang  Anti-Discrimination Bill, ang panukalang batas na kikilala sa karapatan ng bawat indibidwal, kabilang na ang members ng LGBTQIA+, laban sa discrimination and marginalization.

Kaya naman sa kanyang Instagram post, kagabi, January 24, inilahad ni Ice ang sentiments niya ukol sa nakalap umano niyang bali-balita at agad itong ipinarating sa mga kapwa members at allies ng LGBTQ+ community.

“URGENT ALARM, MGA LGBTQ+ AT MGA ALLIES: There are attempts to delay, ONCE AGAIN, the SOGIE Equality Bill from being deliberated in the Senate Plenary. Mga bakla, all eyes on the Senate tomorrow at hanggang mapasa ang batas,” lahad niya. 

Nanawagan din siya na kalampagin ang mga senador para pag-usapan na sa senado ang nasabing panukalang batas. 

“I-tweet at i-email ang mga Senador na full support tayo sa SOGIE Equality Bill na i-debate na sa plenaryo. Magpost sa lahat ng social media (Tiktok, FB, at IG) at i-tag ang mga accounts ng mga Senador at mga kaalyado, lalung-lalo na sila Senate President Migz Zubiri at Majority Floor Leader Joel Villanueva,” panghihikayat pa ng mister ni former FDCP Chair Liza Diño.

“Ang pagbabalik sa committee ng SOGIE Equality Bill para maging parte ng iba pang bill o komite ay paglusaw at pagdelay nito,” dagdag pa niya.

Nakiusap din siya sa mga mambabatas na huwag na sanang i-delay pa at isagawa na ang pagdinig para sa nasabing panukalang batas.

“Tama na ang delaying tactics. Tama na ang pasikot-sikot. Senators, stop hiding and stop delaying. I-plenary na ang SOGIE Equality Bill. #SOGIEEqualityNow #SaveEquality,” pagtatapos ni Ice.

Matatandaan na November last year nang i-reject ng Philippine delegation, sa pangunguna ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland ang panawagang ipasa ang SOGIE Bill at iba pang panukala to legalize same-sex marriage, divorce, and abortion.

Katuwiran ni Remulla radio program, “not acceptable” umano ang mga inirerekomendang panukalang batas para sa isang pre-dominantly Catholic nation gaya ng Pilipinas.

Samantala, kabilang sa mga inilatag sa SOGIE Bill na ma-penalize ang anumang diskriminasyon sa sinuman “based on their sexual orientation, gender identity and expression, and se characteristic.”

Ituturing na ring illegal ang pagde-deprive sa sinuman “of an employment opportunity because they are gay, or deny a person access to emergency health services because of their gender expression.”

As of press time, January 25, ay sumalang si Sen. Risa Hontiveros—chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality—sa committee hearing ng Senado ngunit ang equally important issue ng human trafficking ang kanyang naging agenda.

YOU MAY ALSO LIKE:

Ice Seguerra fondly remembers his late father: “Parati kang nasa puso ko.”

Ice Seguerra, alay sa asawang si Liza Diño ang tagumpay ng kanyang 35th anniversary concert

Ice Seguerra sa asawang si Liza Diño ngayong pinalitan na ito bilang FDCP chairperson: “You have set the bar for what a government servant should be… You are irreplaceable.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together