Netizens, nabastusan sa inasal ni Alex Gonzaga sa isang food attendant; dating nakatrabaho, ibinunyag na "masama talaga ang ugali" ng aktres

SCREENSHOTS: @danibarretto on Instagram via @Shortee3MEW on Twitter
Sa magkakasunod naman na Twitter post ni John Mark Yap, na nagpakilalang dating nakatrabaho ni Ale Gonzaga, inilahad niyang personal niyang nasaksihan ang hindi magandang pag-uugali ng aktres. “Always the cause of delay sa shooting. Almost everyone on set hated her. She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula.”
Top trending topic sa Twitter ngayon ang comedienne-vlogger na si Alex Gonzaga matapos mag-viral sa social media kagabi, January 16, ang isang video na kuha sa 35th birthday celebration niya kasama ang kanyang mister na si Lipa City Councilor Mikee Morada at ilang malalapit na kaibigan.
Makikita sa video na matapos niyang i-blow ang candle ng kanyang cake ay idinampi niya ang kanang palad sa ibabaw ng cake saka ipinahid ang icing sa noo ang waiter na may hawak sa kanyang cake.
Hindi nagustuhan ng mga netizens ang gesture na ito ng aktres. Anila, hindi naman daw masamang magbiro gaya ng pagpapahid ng icing sa mukha kung gagawin ito sa malalapit na kaibigan.
Pero ang gawin ito sa isang tao na hindi naman niya kakilala ng personal ay isa umanong pambabastos.
Balik-tanong pa ng ilan, paano raw kung ang server ang gumawa noon sa kanya? Ano raw kaya ang mararamdaman niya?
Kasunod nito ay lumutang ang lalaking nagngangalang John Mark Yap na nagpakilalang nakatrabaho daw niya si Alex sa movie project nito before na My Rebound Girl.
(Base sa kanyang Instagram profile, si John Mark Yap ay isang stage director, director, and producer at naging bahagi ng mga malalaking theatre productions.)
Sa magkakasunod na Twitter post si John, sinabi niyang personal niyang nasaksihan ang hindi magandang pag-uugali ng aktres.
“As someone who has worked directly with this woman for her first film as a lead, I can personally say na masama talaga ugali ng babaeng ito!” diretsahang pahayag ni John.
“Always the cause of delay sa shooting. Almost everyone on set hated her,” dagdag pa niya.
“She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula.”
Naikumpara pa niya si Alex kay Joseph Marco na katambal nito sa nasabing pelikula.
“Her leading man, Joseph Marco, on the other hand was literally one of the most humble and nicest people I’ve ever worked with. Never ko nakitaan ng attitude kahit once sa buong time na nagshoshoot kami for weeks,” papuri niya sa aktor.
Isa pa sa ibinunyag niya ang hindi umano magandang trato ni Alex sa singer-actor na si Rev Atadero na isa sa supporting cast ng movie.
“She was even very rude to @rebranger who did a small role in that film when they were at the tent! I’ll let Reb tell that story but I swear, masama talaga ugali niya and everyone on set saw/experienced it,” pagre-reveal pa ni John.
Bukas ang pikapika.ph sa panig ni Alex hinggil sa isyung ito.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment