Mo Twister at Kris Lawrence, may magkasalungat na pananaw sa "pahid-icing" issue ni Alex Gonzaga; Alex's camp claims server involved is a family friend


Ang nagpakilalang "publicist friend" ng pamilya Gonzaga na si Peter Ledesma ang naglabas ng statement on their behalf at ayon dito, matagal na umanong kakilala ng pamilya ang server na nakuhanan sa video. "Hindi naman magagawa ni Alex, ang magbiro at magpunas ng cake, kung [d]i sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex," depensa niya sa aktres.

PHOTOS: @djmotwister & @imkrislawrence on Instagram; SCREENSHOTS: @danibarretto on Instagram

Ang nagpakilalang “publicist friend” ng pamilya Gonzaga na si Peter Ledesma ang naglabas ng statement on their behalf at ayon dito, matagal na umanong kakilala ng pamilya ang server na nakuhanan sa video. “Hindi naman magagawa ni Alex, ang magbiro at magpunas ng cake, kung [d]i sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex,” depensa niya sa aktres.

Magkaiba ang naging reaksyon ng controversial radio and online personality na si DJ Mo Twister at ng singer na si Kris Lawrence sa maingay na isyung kinasasangkutan  ngayon ng comedienne-vlogger na si Alex Gonzaga.

Naging viral sa social media ang video ni Alex na kuha ng friend nitong si Dani Barretto sa 35th birthday celebration nito last January 16.

Makikita sa video na matapos niyang i-blow ang mga candles sa kanyang cake ay nagbiro siya sa pamamagitan ng pagpahid ng icing sa mukha ang waiter na may hawak sa kanyang cake.

Hindi ito nagustuhan ng mga netizens kaya’t pinaulanan nila ng batikos ang aktres sa inasal nito. Anila, pambabastos at hindi nakakatawa ang biro ni Alex sa nasabing food attendant.

Dahil sa backlash ay binura ni Dani at Alex ang naturang video sa kani-kanilang Instagram Stories pero huli na dahil nai-repost na iyon at pinagpasa-pasahan na online.

Samantala, isa sa celebrities na naglabas ng kanyang reaksyon tungkol dito ay si Mo Twister.

Ini-retweet niya ang nasabing video at pinatutsadahan ang younger sister ni Toni Gonzaga. 

“Come on guys. She was drunk.…and stupid. Drunk and stupid. And a narcissist. Drunk and stupid and a narcissist,” maanghang na patutsada ni Mo kay Alex.

Kung maraming nainis sa actress-vlogger, meron din naman nakaunawa sa kanya gaya ni Kris Lawrence.

Sa Instagram Story ng singer kagabi, January 17, sinabi niyang normal lang na nangyayari ang pagpapahid ng icing sa mukha tuwing  may mga ganitong kasiyahan.

“So now its bad to put cake on someone’s face during birthday? I thought that was a normal thing?” patanong na saad niya.

SCREENSHOT: @imkrislawrence on Instagram

Bagama’t wala siyang binanggit na pangalan ay madali itong naidikit ng netizens sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Alex.

Nagkomento rin kasi siya sa isang Facebook post ng Inquirer.net na naglalaman ng balita tungkol sa insidente sa birthday party ng aktres.

Dito, pinuna niya na mahilig bumatikos ang mga netizens at wala na umanong nakita kundi ang negative side sa nangyari. 

“People always have something negative to say,” he wrote.

“Let’s fast forward and after this event that waiter just went viral, will probably get ‘something’ after, and a LOT of sympathy. Most recognition he ever got as a waiter. So after all the noise… I’m sure he will be grateful that this happened. 

“Looks like people just like to extract the negative out of things instead of the positive.”

Agad ding nag-viral ang comment na ito ni Kris at nakahanay na niya sa mga trending topics sina Alex at Mommy Pinty nito that day.

Hindi rin nagustuhan ng ilang netizens ang umano’y mapang-malit na tono ng kanyang komento, partikular ang linyang “Most recognition he ever got as a waiter.”

Saglit pa siyang nakipagsagutan sa mga netizens na naging thread sa comment n’yang iyong sa pahina ng Inquirer.net. May nag-akusang “out of touch” at “privileged” umano siya at may nag-analyze pa na kung ang pananaw ni Kris ang pagbabasehan ay tila nagmumukang tama ang aniya’y maling inasal ni Alex.

“[D]efinitely not,” sangga ni Kris. “Hey, no one’s perfect. She was clearly tipsy and it all comes down to intention. She was probably trying to have ‘fun.’ It’s how each one perceives it.

For all we know she probably already said sorry. I’m not justifying her actions. [B]ut [I] just don’t agree with everyone.”

SCREENSHOT: @inquirerdotnet on Facebook

Sa ngayon ay tila burado na ang komentong ito ni Kris, damay ang thread na nalikha nito.

Samantala, naglabas na din ng pahayag ang kampo ni Alex na idinaan sa entertainment website na Fashion Pulis  na siyang unang naglabas ng balita ukol sa Alex Gonzaga icing joke na naging malaking online controversy.

Ang nagpakilalang “publicist friend” ng pamilya Gonzaga na si Peter Ledesma ang naglabas ng statement na direktang in-address sa Fashion Pulis.

“Hi and good day, Sir Michael of Fashion Pulis. This is Peter Ledesma entertainment columnist and vlogger and longtime Publicist friend of Gonzaga Family,” panimulang pagpapakilala niya.

Kasunod noon ay nilinaw niyang kaibigan daw ng pamilya nina Alex ang nasabing waiter sa video na pinangalanan niyang si Allan. Suki na raw kasi ng Gonzaga-Soriano family ang catering establishment na kinabibilangan ni Allan.

“Favor, may I clear the issue regarding Alex Gonzaga viral birthday video and the waiter Allan. This Allan one of the waiters of Florabel Resto and Catering Service in Valle Verde Pasig, is a friend of Mommy Pinty Gonzaga and Soriano Family,” saad niya.

“Kaya majority of the event of Gonzaga and Soriano Family ay sila ang kinukuha ni Mommy Pinty na mag-cater ng food and beverages. At itong si Allan ay laging kabiruan na Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila.”

Mapagbiro daw talaga si Alex pero never umano nitong magagawa na pahiran ng icing ang isang tao kung hindi naman nito kakilala. In this case, dinagdag niyang sanay na umano ang nasabing server sa nature na ito ni Alex.

“Hindi naman magagawa ni Alex, ang magbiro at magpunas ng cake, kung [d]i sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex,” depensa niya sa aktres. 

Through Peter ay klinaro din ng ina ni Alex na si Mommy Pinty na hindi umano lasing si Alex nang mangyari ang now-controversial incident. 

“This is the side of Mommy Pinty na higit na nakakaalam ng istorya ng anak. And one more thing, ay hindi totoong lasing si Alex na tulad ng pinalalabas ng kanyang detractors and bashers. 

“Thank you, Fashion Pulis and good day again,” pagtatapos ni Peter.

Your thoughts?

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Zeinab Harake and Wilbert Ross together again in new music video

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa