Isyung pamimigay umano ng tickets sa concert ni Toni Gonzaga, pinag-uusapan pa rin


Despite the success of Toni Gonzaga’s 20th anniversary concert last January 20, naglipana pa rin ang isyu na pinamigay umano ang tickets nito para puntahan ng mga manonood.

PHOTOS: @tonigonzagastudio on Facebook & @chin.tgs on Instagram

Despite the success of Toni Gonzaga’s 20th anniversary concert last January 20, naglipana pa rin ang isyu na pinamigay umano ang tickets nito para puntahan ng mga manonood.

Matagumpay na naidaos ng TV host-actress and singer na si Toni Gonzaga ang kanyang concert na ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Friday, January 20.

Ganu’n pa man, matapos maganap ang I AM… TONI birthday and 20th anniversary in showbiz concert ni Toni ay naglipana ang isyu na pinamigay umano ang tickets nito para puntahan ng mga manonood.

Ilang araw kasi bago ang concert ng aktres ay lumabas ang balitang mahina umano ang bentahan ng tickets kaya naman nag-expect ang mga bashers ni Toni at maging bashers ng kapatid n’yang si Alex Gonzaga, na lalangawin ang concert nito.

Pero kabaliktaran ang nangyari. Base nga sa video na ipinost ng rapper-comedian na si Andrew E., na guest ni Toni sa concert, makikitang marami pa ring nagpunta at napuno halos ni Toni ang Araneta.

Pero kasunod nito ay ang bali-balitang dumami lang naman ang mga nanood dahil ipinamigay umano ng libre ang mga tickets.

Isang netizen nga ang nag-tweet last January 21 at sinabing pinatos n’ya umano ang ipinamimigay na libreng ticket sa labas ng Araneta Coliseum few hours bago magsimula ang concert dahil wala naman daw s’yang gagawin. 

“Wala namang gawa kaya pinatos ko na salamat sa pamudmod ng ticket yes to be honest po naka libre lang po ako ng Ticket worth 5808 pesos ng ‘I AM TONI’ the concert. Totoo ang chismis pinamimigay ang ticket. Sa labas pa lang ng Araneta Coliseum may mga namimigay ng ticket,” lahad n’ya sa kanyang thread on Twitter.

Isa rin yan sa tinalakay ng tambalan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa online show nila sa Ogie Diaz Showbiz Update on YouTube kahapon, January 22. 

Maraming kumalat na ganu’n ha. Maraming namimigay sa MRT at saka sa Gateway ng tickets noong araw daw,” panimulang tsika ni Mama Loi.

Tapos ang dami daw tao sa labas ng Araneta, oo. Naghihintay daw ng libreng ticket,” dagdag pa n’ya. 

Sinegundahan naman ni Ogie ang balitang inilahad ni Mama Loi.

“Actually, sa totoo lang, totoo naman… Totoo naman [may] namimigay sa labas. Totoo rin na namigay ng tickets sa mga kakilala,” saad n’ya.

Nakarating din umano sa kanyang kaalaman na maging ang ilang senador ay binentahan ng ticket para sa nasabing concert. 

Kahit ’yong mga senador daw binentahan din ng tickets. Wala namang problema doon. Kasi kung bibilhin naman at papalitan ng pera ’yon, e, sales pa din s’ya, ’di ba?” punto n’ya.

However, ang nagma-matter naman daw kasi dito ay kung pupunta ba ang mga taong nabigyan ng libreng ticket. 

S’yempre, ang tanong lang naman d’yan ’yong attendance…kumusta? Sabihin na natin na sold out lahat itong tickets, nabili lahat itong tickets, ang laging binabatayan d’yan ay ’yong attendance, ’yong physical presence nu’ng mga bumili,” ani Ogie.

Kahit pa sabihin mong pinamigay ang tickets sa concert ni Toni, ipinilit na manood sila sa concert ni Toni… Kahit pa anong sabihin nila kung ang attendance ay napakarami, napakataas…kumita pa din ’yon,” dagdag pa n’ya. 

Sa sinabi n’yang ito ay nabiro tuloy s’ya ng kasama nilang si Mrena dahil mukhang nagpi-play safe umano si Ogie sa isyu. 

Pinanindigan ko naman na talagang may pinamigay na tickets,” natatawang paglilinaw ng comedian-vlogger and talent manager. 

Katunayan, maging sila daw ay harap-harapang inalok ng libreng ticket para mapanood ang concert ni Toni. 

Kasi first-hand experience natin ’yan, ’Nay. Sa harap natin may nag-aalok. ‘Gusto n’yo pumunta? Gusto n’yo manood?’ May mga ticket, e,” pagbabahagi ni Mama Loi.

Nasaksihan po namin ’yan. Hindi ito hearsay ha. Kumbaga sa hukuman, hindi ito tsismis. Nakita po namin right before our eyes,” sey pa n’ya.

Muling diin ni Ogie, hindi na issue kung pinamigay ba ang ticket. Ang mahalaga dito ay kung pinanood ba ang concert ng mga nakatanggap ng libreng ticket. 

Wala namang problema, Loi, kung pinamimigay. Ang importante hindi sinasayang ’yong ticket…nanonood talaga, ’di ba?” aniya. 

At least ngayon daw ay nakahinga na nang maluwag si Toni dahil matapos na ang birthday and showbiz anniversary concert n’ya. 

Basta tapos na ’yan, nairaos na. Kumbaga, natanggal na ang tinik sa lalamunan ni Toni. S’yempre, tensyonado ka sa ganyan habang papalapit ang araw, ’di ba?” ani Ogie.

“At the end of the day, happy si Toni sa turnout, happy ’yong mga fans n’ya sa turnout kaya everybody happy,” pagtatapos n’ya.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together