Former Senator Mar Roxas, deadma sa social media life ng asawang si Korina Sanchez

Ang kilalang newscaster na si Korina Sanchez ang isa sa mga brand ambassadors ng Beautéderm na dumating sa ginanap na formal opening at ribbon-cutting ng Beautéderm Corporate Headquarters sa Angeles City noong January 21.

Si Korina ang isa sa itinuturing na idolo ng CEO at President ng Beautéderm Corporation na si Rhea Anicoche-Tan. In fact, kaya nga raw Mass Comm ang kinuha niya ay dahil pangarap sana niyang sundan ang yapak nito as a broadcast journalist. Hindi pa naman niya alam noon na nakatadhana pala siyang makalikha ng isang beauty empire.

Kaya naman magpa-hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang huli na ang idolo niya ay endorser na niya ngayon.

At kung idolo ni Rhea si Korina as broadcaster, idolo rin naman daw ni Korina si Rhea pag dating sa sales and marketing.

In fact, hindi niya ito tinatawag sa palayaw nitong Rei, kungdi “King.”

“I really know na ang ibig sabihin ng King ay Rei,” pagba-back story ni Korina. “So, sabi ko, parang magandang itawag sa kanya ang King dahil sa totoo lang, sabi nga nila, ‘yung kaya ng lalaki, mas kaya ng babae.

“So, bakit ba may mga gano’ng klase ng pagkakaiba pa ng distinction ng king from the queen. When you say Queen, there’s a King who’s more powerful.  So for me, she deserves to be called the King because she’s really on top of it all.

“Siya naman talaga ang gumawa ng lahat at siya ang kumukumpas sa lahat. E, sino ‘’yon?  E, ‘di king. Tamang-tama, Rei Tan.  Kaya ang tawag ko sa kanya, King.”

(Rei came from the old Portuguese rei, which in turn came from the Latin regem, which means King).

Naaaliw naman si Korina sa bukas na aklat na pag-iidolo sa kanya ni Rei.

“Basta ‘wag niya lang sasabihin na maliit pa lang siya no’n, pinapanood na niya ako—bawal,” natawang biro ni Korina.

“But yeah, she took-up Communication Arts and she ended up as DJ (Disc Jockey). But once a marketer at talagang meron kang pagka-negosyante sa katawan mo, lalabas at lalabas ‘yon. 

“Parang ako, I’m a journalist for a longer time, but I also have a business acumen that I took from my own father. So, maliit pa lang ako, nagbebenta na ako ng mga drawings ko sa classmates ko. So, when I wanted to go into manufacturing my own business [kinaya ko din].”

(Korina also has her own beauty product line, ang K Everyday, at ang ine-endorso niya sa BeauteDerm ay ‘yong walang conflict sa mga produkto niya.)

Doon nga raw siya mas bumilib kay Rei dahil winelkom siya kahit in essence ay competitor sila. At mas ikinatuwa niya ang pagtuturo pa sa kanya nito ng mga para-paraan sa pagbebenta.

“I just found Rei as one of the most generous people ever,” lahad ni Korina.  “Kasi, kahit may sarili siyang brand, tinuturuan niya ‘ko. ‘Ma’am, ganito ang gagawin mo.’ She even went to my house… the first time I met Rei, sa Cubao. Tinuruan niya ko na, ‘Ma’am, you start your own line and this is what you do…Ang laki ng market, iba-iba naman tayo,’ sabi niya.”

“Playground” lang naman daw nya ang kanyang maliit na business at paraan na rin to provide employment. Pero ang talagang focus daw niya ay ang kanyang mga TV shows.

“I have three shows going on at the same time right now. So, itong mga skin-skin [products]…laro ko lang ‘yan to give employment to people. Unlike Rei, ‘yun talaga ang kanyang forte at kanyang main focus. At pinapalago naman niya talaga nang husto. And that really teaches me something about passion, about purpose.  

“Kung ibibigay mo talaga ang lahat ng oras mo diyan, imposible na hindi mag-succeed, lalo na kung alam mo kung ano ang ginagawa mo.”

(Her three shows are: Rated Korina on TV5, Korina Interviews on Net25, and TikTalks on OnePH.)

Sa ibang banda, natanong namin si Korina kung nakakasabay ba siya sa usad ng teknolohiya sa kanyang field na mass communication. In short, techie na ba siya?

“Marunong na ‘ko,” pagmamalaki naman ni Korina. “One of the last men standing ako even in my Master’s course. Pag pasok ko nga ng klase, akala nila ako ang teacher, e. Tumayo lahat. Haha!

“Because I took up my Master’s [degree] late and everybody else was saying, ‘It’s online, It’s online!’  Sabi ko, ‘Hindi, dyaryo pa rin yan. Print pa rin yan, ‘di ba?  And today, we all have to embrace it [digital technology]. There’s no turning back.”

She’s so into digital now kaya nga pati vlogging ay pinasok na niya.

Nang dumating nga siya sa Beautéderm Corporate Headquarters, naka-ready na agad ito sa pagbi-video coverage—using her own smart phone—ng mga kaganapan pagbaba pa lang niya ng sasakyan. With matching annotations kaya vlogger na vlogger ang dating. Sabi namin, tila enjoy siya sa bagong aspetong ito ng kanyang trabaho both as broadcast journalist and as celebrity.

“Enjoy ako, pero aminin, stressful,” aniya. “I think, all influencers will tell you, you have to feed that monster. My professor calls it ‘the economy of attention.’  Some of us are willing to try to get that attention any ways that we can.”

Pero aniya, bagama’t active siya sa social media ay nagse-set pa rin siya ng limit dito.

“Ako, medyo limited ako. I know my limits. I set my parameter about my social media and even the frequency. Yes, I enjoy it and there’s no turning back. You have to ride on it. But you also have a choice to get off the train. It’s a little stressful but as long as you can do it, you do it.”

Ang nakakatawa lang, mismong ang asawa raw niyang si former Senator Mar Roxas ay hindi raw tinitingnan ang kanyang social media o kaya’y pinapanood ang mga vlogs niya.

“Ay, hindi niya tinitingnan,” natawang lahad niya. “Minsan sinisilip-silip niya kung totoo ang sinasabi ko kung saan ako nagpunta. Nagulat ako, minsan meron siyang comment. Sabi niya, ‘You really look good here.’ Wow!”

Hirit namin: “Ito ba ‘yung naka-bathing suit siya?

“Ay dios ko day, the exact opposite. Mukha akong Maria Clara. Mukha akong principal sa eskuwelahan [sa pinuri niyang picture]. Sinagot ko rin siya na, ‘E kasi, yan ang looks na gusto mo.” 

Natawa naman ito nang kumustahin namin ang comment ni hubby sa mga sexy posts niya.

“Sabi niya sa akin, ‘I’m really not sure what this does for you,” hagalpak na k’wento ni Korina. “Sabi ko, ‘Well, I aim to hashtag inspire, okay?’  Wala na siyang masabi do’n. He knows better than to tell me what to do. Haha!”

YOU MAY ALSO LIKE:

Korina Sanchez laughs out loud with cast of Net 25’s GoodWill

Korina Sanchez, good vibes na ngayon pero aminadong “enjoy na enjoy” sa pagsagot sa mga bashers niya noon

Korina Sanchez moves to TV5

Korina Sanchez pays homage to ABS-CBN as she bids farewell to home network for more than 30 years

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together