FiLay (Fidel and Klay) loveteam of David Licauco and Barbie Forteza scores first endorsement deal; brand owner is admittedly a "kinikilig" fan

Isa sa mga indicators na malakas talaga ang isang teleserye ay kapag ang mga artista o loveteam nito ay nilalapitan na ng mga brands for endorsement.

And such is the case for the FiLay (Fidel and Klay) loveteam na di sinasadyang nabuo sa hit history portal teleseryeng Maria Clara at Ibarra (MCAI) ng GMA.

Maski ang mga involved ditong sina Barbie Forteza at David Licauco ay hindi rin makapaniwalang kikiligin ang publiko ang mga cariño-brutal moments nila sa serye at mga viewers na mismo ang nagbansag sa kanila bilang #FiLay.

Hindi lang naman kasi kilig ang ino-offer nila. May kasama ring respeto sa acting craft at nakikita iyon ng viewers lalo na kay Barbie na napakahusay mag-timpla ng character niya. Nandoon pa rin ang bubbly’ng Barbie na minahal ng publiko but at the same time, hindi p’wedeng balewalain ang lalim ng kanyang pag-arte.

At maging si David at napapansinan na rin ng galing. Hindi raw kasi p’wedeng hindi sumabay sa mga multi-awarded niyang ka-eksena—si Dennis Trillo bilang Ibarra at si Barbie nga, bilang Klay.

Sa anim na buwan daw nilang paglo-lock-in ay napaka-priceless ng mga natutunan niya sa dalawa at sa iba pang co-actors niya. Indeed, dahil sa MCAI, David has arrived.

And thanks to #FiLay, heto’t kaka-press conference lang ng kanilang first ever endorsement as a loveteam. At sila rin ang first ever artista endorser ng Ishin, isang made-in-Japan whitening and immune-boosting supplement na nagba-branch out na rin sa mga skin-care products.

Ishin Beauty is a three-year-old company ng young power couple na sina Shirleen at Miguel Mario Bautista na ironically, gaya ng iba pang online businesses, ay humataw din during the height of the pandemic.

Althroughout, they relied heavily on social media marketing at pawang mga influencers, TikTokers especially, ang katuwang nila sa pagpapalaganap ng brand. But this time around, napag-desisyunan ng Bautista couple na mas marami silang maaabot kung kukuha na sila ng celebrity endorsers that people can identify their brand with.

Hands down, ang mainit na #FiLay tandem ang niligawan nila.

“Ang primary reason po talaga kung bakit namin nakuha sina David and Barbiekinikilig po ang inyong CEO (Shirleen) kina Barbie and David,” pambibisto ng mister sa kanyang misis during the Ishin endorsers reveal kahapon, January 26, sa Quezon City.

“Napanood n’yo ba ‘yong pahihiwalay ni Klay at Fidel?” pagbibiro pa niya later on. “Ang sakit di ba? Umiyak ang asawa ko no’ng time na ‘yon. So, with that said, damang-dama sa puso, damang-dama kung ano ‘yong naramdaman ninyong paghihiwalay…pinagsama namin sa Ishin.”

Admittedly, si Shirleen ay matagal ng taga-hanga ni Barbie dahil sa “angelic” personality nito (na ikinatawa ni Barbie). Kahit daw kasi mag-bikini, wholesome pa rin ang dating.

“Si David naman, talagang mukang Korean siya,” dagdag ni Shirleen. “No’ng nag-i-start kami ng brand, naghahanap talaga kami ng Korean. Sabi namin sa marketing namin, maghanap kayo kahit sa Korea. Tapos no’ng napanood ko na sila ni Barbie, apart from kinikilig ako, sabi ko, p’wedeng p’wede siya.”

Barbie and David are both hoping na hindi ito ang maging huling endorsement nila as a tandem lalo pa’t nag-Book 2 na—na walang season break, huh!—ang Maria Clara at Ibarra.

Nagpapasalamat din siya sa mga naging fans ng FiLay sa suporta kahit aware naman daw ang mga ito na beyond FiLay ay may tunay na lovelife siya—si Jak Roberto. Si David, for his part, is admittedly single and not ready for any relationship at the moment daw.

“Hindi ko alam kung sobrang blessed ko na posible palang mangyari ‘yon,” ani Barbie. “Or nagbago nalang talaga ang panahon na matalino na ang mga audience ngayon na alam na nila...they know how to separate work and personal life ng artista. So, nagpapasalamat talaga ako na tinatanggap nila ako.”

Samantala, you can check Ishin on any of the following:
www.ishinbeauty.com
www.ishinwhite.com
www.ishinskin.com

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together