Lalaking ka-holding hands ni Kylie Padilla sa kanyang Thailand adventure video, bagong nagpapatibok na ba ng puso niya?

PHOTOS: @kylienicolepadilla on Instagram
Matatandaan na last May 2022 nang aminin ni Kylie Padilla na nakikipag-date na s’yang muli matapos ang hiwalayan nila ng estranged husband n’yang si Aljur Abrenica noong 2021.
Laman ng iba’t ibang media sites and social media pages ang balitang tila nakahanap na ng bagong nagpapatibok sa puso n’ya ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.
Dahil iyan sa ipinost n’yang compiled videos sa Instagram last December last 31 ng naging travel n’ya sa Thailand
Makikita sa isang parte ng video na ka-holding hand n’ya ang isang misteryosong lalaki kaya naman lumabas ang haka-haka na ito na ang bagong nobyo ng aktres.
“[W]andering with another fellow wanderer,” pahayag pa n’ya sa inilagay n’yang caption.
Mas tumindi pa ang espikulasyon na baka may relasyon ang dalawa at ayaw pa nila itong isapubliko dahil bukod-tanging naka-disable ang comment section sa Instagram post na ito ni Kylie.
Ito na kaya ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso?
Matatandaan na last May 2022 nang aminin n’yang nakikipag-date na s’yang muli matapos ang hiwalayan nila ng estranged husband n’yang si Aljur Abrenica noong 2021.
Ganu’n pa man, in good terms daw sila ni Aljur at maayos ang kanilang co-parenting setup para sa mga anak nilang sina Alas at Axl.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment