Kitkat, naimbyerna matapos muling masuspende ang TikTok account niya


PHOTOS: @obrabyjohn & @favkitkat on Instagram

PHOTOS: @obrabyjohn & @favkitkat on Instagram

Hindi naikubli ng komedyanang si Kitkat ang pagkadismaya n’ya dahil muling nasuspende ang kanyang TikTok account na may almost one million followers.

Isang linggo pa lang daw kasi mula nang ma-recover n’ya ito ay heto’t suspendido na naman.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, December 21, imbyernang kinuwestiyon ng aktres ang pamunuan ng TikTok Philippines sa naging sanction sa kanyang account gayung wala naman daw s’yang ipino-post, bagkus ay nanonood lang sa video ng iba.

“Luh ano bang problema mo @tiktok_philippines nagvuview lang ako wala naman ako ginagawa suspended nanaman? Wala pa one wk [week] ng na restore account ko ah,” himutok ni Kitkat sa kanyang IG post.

Kalakip nito ang screenshot photo ng TikTok video ng entrepreneur at online content creator na si Rosmar Tan na siyang pinanonood niya nang dumating ang notification ng TikTok sa pagsususpende sa account n’ya.

Narito ang laman ng notification from TikTok:
“Your account is temporarily suspended due to multiple violations of our Community Guidelines.”

Kaya naman pakiusap ng celebrity mom and content creator sa nangyari, “[S]ana chinechek nyo kung nagvaviolate ba talaga… susko naman! huhuhu pls help po ulit @marksablan.”

Matatandaan na unang humingi ng saklolo si Kitkat noong December 4 kung kailan unang beses na nasuspende ang kanyang TikTok account. 

“HELP! Bkit bgla nagka ganito tiktok ko @tiktok_philippines @marksablan,” panawagan n’ya that day sa kanyang IG post.

Noong December 13 naman nang ibinalita n’ya na na-retrieve na n’ya ang kanyang account. 

“And my Tiktok @favkitkat is back! Thank u so much sir @marksablan for the help po ❤❤❤ Godbless,” pahayag ng komedyana sa kanyang IG post.

Paninindigan pa ni Kitkat sa comment sections ng kanyang IG posts, clueless s’ya naging violation n’ya dahil matitino at desente naman daw ang kanyang inilalagay na content sa TikTok.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Zeinab Harake and Wilbert Ross together again in new music video

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa