Anthony Rosaldo, alay sa namayapang kuya ang parangal na natanggap niya


"Kuya would be very happy for me if he was still around," pahayag ng Kapuso singer-actor na si Anthony Rosaldo sa latest recognition na natanggap n'ya from The World Class Philippines Awards Council. Iginawad kasi ang parangal kay Anthony last December 14, isang araw matapos pumanaw ng kanyang kuya.

PHOTOS: @theanthonyrosaldo on Instagram; INSET: @anthony.rosaldo on Facebook

“Kuya would be very happy for me if he was still around,” pahayag ng Kapuso singer-actor na si Anthony Rosaldo sa latest recognition na natanggap n’ya from The World Class Philippines Awards Council. Iginawad kasi ang parangal kay Anthony last December 14, isang araw matapos pumanaw ng kanyang kuya.

Inialay ng Kapuso singer-actor na si Anthony Rosaldo ang natanggap niyang parangal sa kuya nilang si Andre na sumakabilang buhay nito lang December 13.

Sa kanyang belated tribute post sa Instagram ngayong araw, December 22, The Clash Season 1 finalist dedicated his “Male Singer of the Year” award na mula sa The World Class Philippines Awards Council for his late brother.

Espesyal umano kay Anthony ang parangal na ito lalo pa’t iginawad ito sa kanya isang araw matapos sumakabilang buhay ang kanyang Kuya Andre.

“A day after kuya Andy’s passing I was awarded as Male Singer of the year by the #WorldClassPhilippines. Malungkot man ang aking puso sa pagpanaw ng aking kapatid, nagpapasalamat ako sa pagkilalang ito,” lahat ng Kapuso star sa kanyang Instagram post.

Kalakip nito ang photo ng kanyang medal at certificate, at ang video ng pagtanggap ng representative niya sa parangal during the awarding ceremony.

Nakatitiyak umano siyang magiging masaya for him ang kanyang late older brother kung sakaling nabubuhay pa ito.

“Kuya would be very happy for me if he was still around,” pahayag pa n’ya.

Kasunod nito ay dini-dedicate ng All-Out Sundays regular performer ang award sa kanyang namayapang kapatid.

“Kuya, inaalay ko sayo ang success na ito at ang mga susunod pang aabutin kong pangarap,” deklara ni Anthony.

“Nung nag uumpisa pa lang ako sa showbiz nakita mo lahat ng hirap ko. Andun ka sa lahat ng shows ko, malapit man o malayo,” pagpapatuloy niya.

“Nung nag gigig pa lang ako kahit abutin tayo ng umaga wala kang reklamo, araw araw sinasamahan moko. Salamat kuya ko!”

Pagmamalaki pa niya dito, “Look at us now! Malayo na din ang inabot natin. Ipagpapatuloy ko ang lahat ng ito.

“Palagi kitang maaalala sa bawat gagawin ko, pangako yan! I love you big bro! I will miss you everyday! 😞💔,” pagtatapos ni Anthony sa kanyang IG post.

Pumanaw nitong December 13 ang kapatid ni Anthony na si Andre due to lung cancer.

Sa interview ng singer with GMANetwork.com, kamakailan, sinabi niyang naging mahirap para sa kanilang pamilya ang mga nagdaang buwan. Kaya naman sinikap daw talaga niyang makapagtrabaho para makatulong sa pagpapagamot ng kuya niya at madugtungan pa ang buhay nito.

“It’s hard po. Noong mga nagdaan pong months, talagang I worked hard po para makapag-provide po sa kapatid ko na may cancer, and gusto ko po talagang humaba ‘yung buhay niya at talagang lumaban po siya,” lahad ni Anthony.

However, bumigay din ang kanyang kuya sa laban at binawian ng buhay.

“Pero ‘yon nga po, hindi na po kinaya ng health niya dahil stage 4 na po [ang lung cancer niya],” saad pa niya.

Tiyak na malungkot daw ang darating na Pasko para sa kanilang pamilya. Ito kasi ang unang beses na hindi na nila makakasama sa selebrasyon ang kanyang kuya.

Ganu’n pa man, magse-celebrate pa rin daw sila ng Christmas at sisikapin niyang mapasaya pa rin ang family niya.

“Magiging malungkot po ‘yong Pasko kasi first time pong wala si kuya pero I’ll do my best po na pasayahin pa rin sila,” pagbabahagi ng singer-actor.

“Kasi, being the breadwinner of the family and the rock of the family, talagang I want to make sure na happy sila, at ‘yon naman ‘yong gusto ng kuya ko, na maging happy kami together,” pagtatapos ni Anthony.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency