Jeric Gonzales, nagpatakam ng puwet sa Broken Blooms
![“...'yung pagpapakita ko ng puwet wala pong problema du’n dahil may tiwala po ako kay Direk Louie [Ignacio]. Bilang direktor at aktor ‘yun po ang mahalaga. Kailangang nagtitiwala ka sa direktor mo para magawa mo 'yung eksena na maganda. Hindi na rin po ako nagdalawang-isip kasi nandu’n na po ako, e, ginawa ko na po."—Jeric Gonzales on his butt exposure for Broken Blooms](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/2c45628967cbb49aba60cff3b368ed95/images/0678ce3f8562ed9841f71ef92f6cb09a/conversions/JericG-copy-feature.jpg?v=1670219902)
Photos: @jericgonzales07
“…’yung pagpapakita ko ng puwet wala pong problema du’n dahil may tiwala po ako kay Direk Louie [Ignacio]. Bilang direktor at aktor ‘yun po ang mahalaga. Kailangang nagtitiwala ka sa direktor mo para magawa mo ‘yung eksena na maganda. Hindi na rin po ako nagdalawang-isip kasi nandu’n na po ako, e, ginawa ko na po.”—Jeric Gonzales on his butt exposure for Broken Blooms
Espesyal para kay Jeric Gonzales ang pelikulang Broken Blooms na isinulat ni Ralston Jover at idinirehe ng multi-awarded director na si Loiue Ignacio.
Bukod kasi sa ito ang first lead role niya, ito rin ang nagpanalo sa kanya ng international recognition sa iba’t-ibang film festivals abroad.
Sa ngayon, naka-apat na best actor awards na siya sa kanyang acclaimed performance bilang teenage father sa nabanggit na coming-of-age movie. Ito ay mula sa mga sumusunod: 4th Montelupo Fiorentino International Independent Film Festival sa Italy, Mokkho International Film Festival at Tagore International Film Festival sa India, at Harlem International Film Festival sa New York.
Ayon kay Jeric, may panghihinayang daw siya na hindi siya nakadalo sa anumang awarding rites abroad kung saan kinilala ang kanyang galing dahil abala siya sa taping ng seryeng Start Up PH sa GMA-7.
Gayunpaman, kung may oportunidad daw na maiimbitahan siya sa anumang international filmfests na kasali ang pelikula at walang conflict sa kanyang schedule, gusto raw niyang dumalo doon sa hinaharap.
Hirit pa niya, nakaka-relate raw siya sa kanyang role dahil tulad ninuman ay matindi rin ang pinagdaanan niya noong panahon ng pandemya.
Sa pelikula, ginagampanan niya ang role ni Jeremy, isang lalakeng namulat sa malaking responsibilidad dala ng maagang pag-aasawa.
Dahil sa lockdown, mawawalan siya ng stable na trabaho dahilan para kumapit siya sa patalim.
Susubukan niyang pasukin ang prostitution para may maipangtustos siya sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Para sa aktor, malaking hamon sa ang kanyang role dahil bukod sa bigat ng tema, first time din niyang magpakita ng puwet sa pelikula dahil kinailangan to sa isang eksena.
“Nu’ng una po talaga kinakabahan ako kasi hindi ko po alam kung paano siya ginagawa, e. So, may mga plaster na ginagamit,” paliwanag niya sa kanyang hubaran scene.
“Kinakabahan ako kasi ang daming plaster. Tapos ang sakit sa… Kailangan talaga lahat protected, e. Du’n pa lang kinakabahan na talaga ako,” dugtong niya
Pero ayon sa aktor, hindi naman daw big deal sa kanya ang nudity as long na kailangan siya sa eksena at kampante siya sa kanyang director.
“Pero ‘yung pagpapakita ko ng puwet wala pong problema du’n dahil may tiwala po ako kay Direk Louie. Bilang direktor at aktor ‘yun po ang mahalaga.
“Kailangang nagtitiwala ka sa direktor mo para magawa mo ‘yung eksena na maganda. Hindi na rin po ako nagdalawang-isip kasi nandu’n na po ako, e, ginawa ko na po,” esplika niya.
Wish pa niya na ang kanyang winning performance ang magbukas ng pinto para mabigyan pa siya ng maraming challenging roles in the future.
“Sana magkaroon pa ng mga susunod na opportunities lalo na ito nag-lead role ako dito sa Broken Blooms. Sana masundan pa po kasi ito talaga ‘yung pangarap ko ang magkaroon ng maraming pelikula at makagawa pa ng iba’t-ibang roles.
“So, kung sino man po ‘yung mga producer na gustong kumuha sa akin bakit hindi, di ba?” natatawang panawagan pa ng aktor.
Universal ang temang tinatalakay sa Broken Blooms tungkol sa iba’t-ibang uri ng pagmamahal tulad ng relasyon ng mag-asawa, magkaibigan, at mag-ina.
Tungkol din ito sa reyalidad ng mga problemang kinakaharap ng mga kabataan bungsod ng kanilang mapupusok na desisyon sa buhay.
Tampok din sa Broken Blooms—na produced BenTria Productions ni Engr. Benjie Austria—
sina Teri Malvar, Jaclyn Jose, Norman “Boobay” Balbuena, Royce Cabrera, Mimi Juareza, Lou Veloso, Ivan Austria, at marami pang iba.
Humakot na ng humigit-kumulang na 14 international awards ang pelikula na palabas na sa mga sinehan simula sa Disyembre 14.
YOU MAY ALSO LIKE:
Jeric Gonzales, tahasang dinenay na may relasyon sila ni Sheryl Cruz
Alden and Bea with Jeric and Yasmien visit Davao today for the Start-Up PH Kapuso Fans Day
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment