DJ Jennifer Lee and her special friendship with her PWD (person with disability) fan

Photos: @djjenniferlee @ jenelynbacus
“We owe it to our fans. Inspiration ko sila to always give my best in every performance para maraming mapasayang tao. At hanggat kaya ng oras ay pinararating ko ang aking pasasalamat in any simple way I can.”—DJ Jennifer on treating fans
Espesyal para kay DJ Jennifer Lee ang pagbabalik niya sa lungsod ng Buug, Zamboanga Sibugay last Friday, December 2, dahil hindi lamang siya excited makapag-perform sa appreciative crowd doon, kundi dahil kinabukasan noon, December 3, ang takdang araw na magkikita na sila at magkakayakap sa wakas ni Jenelyn Bacus, ang kanyang avid fan na nakatira malapit sa Buug.
Ipinost ni DJ Jennifer ang kanilang pagkikita ni Jenelyn sa Instagram at sa aming pakikipag-private messaging sa kanya, nalalaman namin ang back story ng kanilang pagka-kaibigan.
Si Jenelyn, 22, ay isang person with disability. Ayon kay DJ Jen, ipinanganak na walang mga paa at iisa lamang ang kamay ng magandang dalaga pero nanatili daw itong mabait, masayahin, at positibo sa buhay.
Higit sa lahat, mahilig ito sa musika. At ito ang naging tulay nila.
“Eversince I started DJ-ing, palagi na siya nakasubaybay sa aking social media,” panimulang k’wento sa amin ni DJ Jen.
Taong 2017 daw nang una n’yang nabasa ang mensahe sa kanya ni Jenelyn. Sa Messenger app daw sila nagko-communicate. That time, gusto raw sana nitong manood ng concert niya sa Sibugay. Ibinilin daw nya sa mga organizers ng event na papasukin backstage si Jenelyn. Subalit nalilimitahan nga ng kanyang kalagayan ang kanyang kilos kaya’t hindi ito nakapunta sa kanyang event.
In one of Jenelyn’s recent birthdays, niregaluhan ni DJ Jen ng wheel chair ang kanyang mahal na fan para daw sa susunod niyang pagbalik doon ay madali na itong makakapunta sa kanya para manood.
“Finally, nitong event ko sa Buug ay nagkita at nagkayakap na kami,” masayang k’wento sa amin ni DJ Jen via DM (direct messaging).
At dahil wish din yang ma-meet at makilala pa nang husto si Jenelyn kaya’t inimbitahan niya ito at ang kanyang pamilya for lunch kinabukasan.
“We owe it to our fans,” saad ni DJ Jen sa amin. “Inspiration ko sila to always give my best in every performance para maraming mapasayang tao. At hanggat kaya ng oras ay pinararating ko ang aking pasasalamat in any simple way I can.”
In Jenelyn case, dahil espesyal nga ito para sa kanya, kahit daw wala pa siyang sapat na tulog ay kinita n’ya ito.
“I made sure na magkita at makapagpasalamat kami kay Jenelyn sa kanyang suporta.”
Touched na touched din si DJ Jen sa mga dalang regalo sa kanya ni Jenelyn na bagama’t iisa lamang ang mga kamay ay nakuha pa nitong igawa siya ng mga fan art gaya ng mga picture frames.
Ito ang ipinagmalaki niya sa ng kanyang IG post noong Sabado, December 3, kung saan pinasalamatan din niya ang nanay ni Jen na pinasalubungan naman siya ng mga alimango.
“Finally, nakilala at nayakap ka @jenelynbacus Maraming salamat sayo at sa iyong pamilya for visiting me during my stay sa Sibugay,” saad ni DJ Jen sa Instagram.
“Sobrang touched ako. Thank you sa hand-made gifts mo. Pls tell nanay, ang sarap ng niluto niyang crabs Thaaankyuuu
I love you all ”
Sumagot naman dito si Jenelyn at nagpasalamat sa kabaitan sa kanya ng kanyang idol.
“You’re welcome ate jennifer,” saad ni Jenelyn sa comment section. “Sobrang saya ko din dahil naka balik ka ulit dito sa sibugay at na meet na kita dati pangarap kulang na ma kita ka at mayakap ngayun nang yari na lahat sobrang bait mo at sobrang ganda mo sa personal ilove you @djjenniferlee “
At ganito rin, more or less, ang laman ng lahat ng appreciation posts ni Jenelyn tungkol sa kanyang idolo at sa kanilang pagkikita.
Mabuhay kayo, Jennifer and Jenelyn for inspiring us with your story.
YOU MAY ALSO LIKE:
Exclusive: Multi-awarded DJ Jennifer Lee is also a multi-hyphenate
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment