Bagama't immunocompromised, Kris Aquino, nagpadalaw sa mahal niyang kaibigan na si Darla Sauler

Photos: @darla
“You always make time for family,” panimula ni Darla Sauler sa Instagram post niya kasama ang larawan ng kanilang brief reunion ni Kris Aquino. “Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy. Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino.”
Sobrang mahal ni Darla Sauler, head writer/creative consultant ng talk at entertainment unit ng ABS-CBN ang mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby Aquino dahil naging parte na siya ng pamilya ng Queen of All Media mula nang maging magka-trabaho sila sa mga shows nito noon sa Kapamilya Network gaya ng Showbiz Linggo, The Buzz, at Kris TV.
May pagkakataon pa na naging problemado sa kanyang kalusugan si Darla noon at si Kris ang umalalay sa kanya at sumagot sa lahat. Mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan through the years at hindi naging hadlang ang pagkawala ni Kris sa ABS-CBN para maputol ang kanilang friendship.
Nang mag-show ang ASAP Natin ‘To sa Las Vegas, Nevada USA nitong Nobyembre 18 ay hindi pinalagpas ni Darla ang pagkakataon para mabisita ang kaibigan.
Together with business unit head Jasmine Pallera na malapit din kay Kris, bumiyahe sila ng walong oras by land para puntahan ang mag-iina sa Los Angeles, California.
Nagkita-kita ang lima at base sa larawang ipinost ni Darla sa kanyang Instagram, mahihinuhang tila mas maayos ang kalagayan ngayon ni Kris kumpara noong mga nakaraang buwan.
O baka naman naging maligaya lang siya na makapiling ang kaibigan kahit saglit. Pagpapatunay na mahal niya rin talaga si Darla kaya kahit immunocompromised at matindi ang pag-iingat ay pinapasok niya sina Darla at Jasmine sa kanilang bahay na tinutuluyan doon. Tila nasa kuwarto pa nga sila ni Kris.
Paniguradong dumaan naman sa masusing antigen test at swabbing ang dalawa bago sila napayagang maka-bisita kay Kris.
“You always make time for family,” panimula ni Darla sa Instagram post niya kasama ang larawan ng kanilang brief reunion.
“Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy. Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino.”
Wala naman kaming nabasang sagot o reaksyon ni Kris tungkol sa post na ito ng kaibigang si Darla na pinusuan nina Derek Ramsey at Iza Calzado.
Ang pinaka-huling pag-a-update ni Kris ukol sa kanyang health status ay noong pang November 26, araw ng Thanksgiving celebration sa Amerika, kung saan sinabi niya sa kanyang post (na may kalakip na laraw ng kanyang mga anak) na back to zero ang proseso ng kanyang gamutan dahil she signed up with a hospital program in LA na sumusubok mag-diagnose at mag-treat ng mga “Rare & Undiagnosed illnesses.”
Gagawin umano siyang case study doon dahil kakaiba nga ang dumapo sa kanyang ailment dahil bukod sa multiple autoimmune conditions niya ay meron pa siyang “over 100 known allergic or adverse reactions to medication.”
Matatagalan umano ang panibagong gamutan kaya’t nag-file na sila ng extension ng pamamalagi doon sa US Immigration.
Sa huli, sinabi niyang “TULOY ANG LABAN, BAWAL SUMUKO” dahil marami pa siyang gustong maging karanasan kasama ang mga mahal na anak.
“Tinitiis yung matinding sakit (sagad sa buto) while allergic to all pain relievers; the constant fatigue, awful sense of balance, nonstop dry cough & shortness of breath; yung sobrang pag-iingat (i’m so immunocompromised- since June i’ve NEVER been to a restaurant, NEVER entered a store, supermarket, or a mall).
“i pray for the blessing to be healthy enough to still be their mama-the one who would cook, travels for fun, goes to Church, and watches movies w/ them. All in God’s perfect time… “
Kasama mo kami sa pagdarasal, Kris.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment