Andrea Garcia, nakatanggap ng death threat dahil sa pagpapa-sexy niya sa mga online series at pelikula

Inamin ng sexy actress na si Andrea Garcia na nakakatanggap s’ya ng death threat o banta sa kanyang buhay dahil sa ginagawa n’yang paghuhubad sa serye at pelikula.

Naibahagi n’ya ito during the virtual media conference para sa upcoming sexy-drama-comedy series nilang Lovely Ladies Dorm.

Nahingi kasi ng entertainment press ang reaksyon ni Andrea sa mga taong pumupuna sa mga gaya n’ya na naghuhubad onscreen.

Ilang sexy roles na din naman kasi ang nagawa ng aktres sa mga kinabilangan n’yang Vivamax movies gaya ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, Pabuya, Alapaap, at ang mga online series na High on Sex at Secrets of a Nympho.

Ayon sa aktres, wala daw s’yang kebs sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa ginagawa n’ya at sa napili n’yang propesyon.

“Surprisingly enough, I really don’t care. I know that is so egoistic but kilala ko na ang sarili ko enough, that I really don’t care about what other people would say about my choice of career,” sagot n’ya sa press people.

Hindi naman daw nangangahulugang masamang tao na s’ya dahil lang sa nagpapa-sexy s’ya sa mga serye at pelikula.

“Choosing to show skin, choosing to be sexy doesn’t make me less of a person. It doesn’t make me a bad person, a bad daughter, a bad sister… It just means that I feel empowered to be sexy. It’s a form of art and it’s what in our media now,” punto pa n’ya.

At sa bahaging ito ng media conference n’ya nabanggit na meron umanong nagbabanta sa kanyang buhay dahil sa kanyang pagpapahuhubad.

“So ako, kahit anong sabihin ng tao, which by the way, guys, nakaka-receive ako ng death threat dahil lang nagpapa-sexy ako, [pasok] sa kabilang tenga, labas sa kaliwa,” segue na pagsisiwalat n’ya.

“Art of dedma talaga. Ikaw lang ang may kilala sa sarili mo. And as long as you’re happy talaga, dedma na lang sa kanilang lahat.

Dahil sa nabanggit n’yang death threat ay minabuti naming i-message ang dalagang aktres para mas madetalye n’ya kung ano ba itong natatanggap n’yang banta.

Ayon sa kuwento sa amin ni Andrea, may mga natatanggap daw s’yang message sa social media mula sa isang dummy account noon pa mero mas tumindi daw ang banta sa kanya nang pumasok na s’ya sa showbiz.

“It was anonymous from a dummy account. The messages have been ongoing in my message request for over a year. And patagal nang patagal pa-intense nang pa-intense ’yong galit,” pagbabahagi n’ya.

“It started with a bit of disgrace kasi nagpapa-sexy ako… hanggang sa papa-abang niya ako, dadamputin at ipapa-gang rape kasi nag-sexy star ako. Deserve ko daw ’yon. Hindi daw maayos na babae ang nagpapa-sexy,” pagdedetalye pa n’ya.

Sa ngayon ay naka-blocked na daw sa kanya ang nasabing dummy account at mas naging alerto na din s’ya sa tuwing lalabas.

“I blocked the account and disregarded the message. But it definitely alarmed me and I’m more careful of my surroundings,” aniya.

Anyway, kung noong mga nakaraang projects n’ya ay todo s’ya sa pagpapa-sexy, ibang character naman daw ang ipapakita ni Andrea sa bago n’yang serye.

Gaganap kasi s’ya rito bilang aspiring lawyer na nagre-review para sa darating na bar exam habang nakatira sa isang ladies dormitory.

“I play Tracy. Isa s’yang law graduate. Nag-aaral s’ya for the bar,” pagbabahagi ni Andrea.

Dagdag pa n’ya, conservative ang role n’ya at kahit paano ay nakaka-relate umano s’ya dito.

“She’s a virgin. She chooses to keep her virginity. Isa ’yang pinaka-importanteng aspect ng character ko,” aniya.

Hindi na ako magda-dive deep into details pero I really like playing her kasi I resonated with her a lot. Ano s’ya, very strong woman, pero makikita mo dito sa series ang soft side talaga.

Katunayan, halos pareho daw sila ng pinagdadanan ng kanyang character sa series sa tunay na buhay. Kaya naman ng makapag-move on si Tracy sa kanyang pinagdadaanan sa kuwento, ay nag-heal naman daw s’ya in real life sa traumatic experience n’ya noon na hindi na n’ya idinetalye.

“This series helped me release my emotion. And interestingly enough, it also made me heal from my personal trauma,” lahad ni Andrea.

’Yong sariling pinagdadaanan ko, which was related to my character…nag-heal din ako in real life, na ako din, nag-move on na ako in real life.”

Masaya naman daw s’ya sa naibigay n’yang performance for her character dahil pinaghusayan daw talaga n’ya.

“It gave me a lot pressure to give a good delivery, hindi lang para kina Direk [Mervyn Brondial], hindi lang din para sa Viva, pero para din sa viewers na matuwa sila. Nakaka-happy, nakakakilig na proud naman si Direk sa result namin, naming lahat,” pagtatapos ni Andrea.

Kasama ni Andrea sa online series ang mga baguhang sexy actresses na sina Hershie De Leon, Julia Victoria, Tiffany Gray, and Yen Durano, pati na rin ang Italian-Canadian actor-model na si Nico Locco, and seasoned actress Alma Moreno.

Mapapanood ang unang episode ng Lovely Ladies Dorm starting December 18 on Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency