Toni Gonzaga, hoping na masundan na si Seve next year

Idinaan sa biro ni Toni Gonzaga-Soriano ang sagot sa tanong kung gagawa na ba sila ni Direk Paul Soriano ng kapatid ng panganay nilang si Seve.

“Oo…after ng presscon, gagawa na kami…” nagpapatawang lahad ni Toni.

Ang tinutukoy niyang press conference ay para sa anunsyo ng kanyang I Am…Toni concert  na magaganap next year. Ginanap ang press conference para dito sa Winford Manila Casino and Resort nitong Huwebes, Nobyembre 17.

Pero nang tanungin namin nang seryoso pagkatapos ng presscon proper, sumagot ito ng: “Sana next year…sana.”

Hindi naman daw sila ang hinahanapan ni Seve ng kapatid dahil ang kinukulit daw nito na magbigay sa kanya ng kalaro ay ang Tita Alex Gonzaga-Morada.

“Hindi pa naman naghahanap [kapatid], nae-enjoy niya [being solo]. Inaasar niya lagi si Alex,” k’wento pa niya.

Sa edad na anim na taon, ay nasa kindergarten na pala ito at grade one na sa darating na taon. Pero so far, wala daw silang nakikitang indikasyon na gusto nitong maging artista gaya ng mommy at tita niya.

“Wala pa namang pinapakitang pahiwatig pa, so far,” patuloy ni Toni. “Parang hindi niya alam ‘tong mga ginagawa namin. Pero lahat naman ginagawa niya [sumasayaw, kumakanta]…kung anu-ano.”

Samantala, parang kelan lang pero heto at nagse-celebrate na pala ng 20 years ni Toni sa entertainment industry. Halos lahat ay nagawa na niya—singer, host, actress, at ngayon ay content creator pa. Siya din ang Chief Executive Officer o CEO ng sarili niyang TinCan Productions.

Pero hindi naging madali para sa wifey ni Direk Paul ang dinaanan nitong hirap bago niya nakamit ang lahat ng mayroon siya ngayon.

Isa kami sa nakakita noong pagsisimula niya bilang mang-aawit. Front act pa lang siya ni Jolina Magdangal sa mga provincial shows nito noon. Isa sa nai-cover naming event ang show ni Jolina noon sa Capiz, Roxas City.

Napangiti si Toni nang banggitin namin ito sa kanya.

“Yes! Ako ang front act niya dati sa mga concerts niya!”

When asked kung isa ba si Jolens (palayaw ni Jolina) sa  mga magiging guests niya sa kanyang concert ay hindi pa raw niya alam.

“Pero love ko ‘yan si Jolens, isa sa napakabait na artista, singer na nakilala ko noong nagsisimula ako. Hindi ko siya makakalimutan dahil ang opening [song] niya lagi sa concert niya ‘Ooops, I Did It Again’ by Britney Spears. That was 1998-1999,” natatawang pa-trivia pa ni Toni.

Sabi pa namin, simpleng-simple lang niya noon dahil jeans and shirt lang laging suot niya.

“Oo, kasi wala pa akong budget noon. Hindi halata kaya ‘yun na lang, jeans and shirt na lang.”

Dahil 20 years anniversary niya, natanong si Toni ukol sa iba pang hindi niya malilimutang experience sa 20 years niya sa showbiz.  At isa raw doon ay nangyari noong 18 years old siya na kumakanta siya sa isang casino ng walang nakikinig.

“Favorite memory ko when I was starting as a singer…kumakanta akong mag-isa. Pasko sa Casino Filipino. Doon ako nakapuwesto, December 24 or December 25, hindi ko na masyadong matandaan, basta Pasko ‘’yun.

“Tapos, siguro, 17 or 18 years old lang ako nu’n kumakanta ako ng ‘Pasko na Sinta Ko.’ Lahat, nagga-gamble, lahat nasa slot machines! Sabi ko, ‘Ano ba’ng ginagawa ko dito?’ Parang hindi ginagawa ng isang normal na 18-years-old na kumakanta sa isang gambling area na lahat nasa slot machines.  Walang nakikinig!

“Tapos may nagbigay ng tip, ‘yung chip? Siguro, naawa siya, ‘Uy, umiiyak ‘yung singer, bigyan natin.’

“Tapos, after ko umiyak, nagpunta ako sa CR, tapos hindi pa ako natapos, du’n ako nag-drama, umiyak talaga ako.

“Tapos naaalala ko lang, parang sinabi ko sa sarili ko na one day, kapag may hawak na akong mikropono, may makikinig na sa akin. ‘Yun lang ang sinabi ko sarili ko.

“And then, I pursued my career, I continued, I sang in different hotels, different bars, hanggang sa one day, pag hawak ko na nga ‘yung microphone, makikita ko kapag mga live shows, big events, nakikinig na sila.  Tapos sabi ko, ‘Ay, naalala ko ‘yung moment when nobody was listening to me.’

“I’m so grateful na makarating sa ganitong milestone ng ating journey dito sa industry and I’m also very excited to celebrate it with everyone,” nakangiting kuwento pa ni Celestine.

“It’s a celebration of milestones, of journeys, of the ups and downs, the learnings, and parang where I came from, where I am today and where my life is heading after 20 years,” dagdag pa niya.

Ang Godfather Production ni Joed Serrano and co-producer ni Mommy Pinty Gonzaga sa I Am…Toni concert na magaganap on her birthday sa January 20, 2023 sa Araneta Coliseum.

Ito ay sa pakikipagtulungan daw ng Ever Bilena at Hello Glow.

YOU MAY ALSO LIKE:

Imbes na maapektuhan sa bagong panawagan ng “boycott” at “cancel” sa kanya, Toni Gonzaga, nagpasalamat pa sa nalikhang engagement ng mga bashers niya

Toni Gonzaga, nababahala sa fake Facebook account na gumagamit ng pangalan niya sa panghihingi ng pera

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together