Sharon Cuneta, naka-LQ ang mister na si Kiko Pangilinan for six months; “Kala ko single na ako uli next year…”


Happy si Megastar Sharon Cuneta na okey na ulit sila ng mister n’yang dating senador Kiko Pangilinan after six months. Akala daw kasi n'ya ay lalala ito at mauuwi na sa hiwalayan. “Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na. [Three face with tears of joy and three red heart emojis],” saad n’ya sa isa pang IG post. 

PHOTOS: @reallysharoncuneta on Instragram

Happy si Megastar Sharon Cuneta na okey na ulit sila ng mister n’yang dating senador Kiko Pangilinan after six months. Akala daw kasi n’ya ay lalala ito at mauuwi na sa hiwalayan. “Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na. [Three face with tears of joy and three red heart emojis],” saad n’ya sa isa pang IG post. 

Sinong mag-aakalang nagkatampuhan pala sina Sharon Cuneta at ang mister n’yang si dating senador Kiko Pangilinan?

Kay Megastar mismo nanggaling ang tsikang iyan sa sunod-sunod na Instagram posts n’ya nitong November 19 matapos um-attend ang kanilang pamilya sa 18th birthday party ni Yohan, ang panganay ng close friends n’yang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Ayon kay Sharon, nagkaroon daw sila ng mahabang LQ o lover’s quarrel ng asawang n’yang si Kiko at game na ipinaalam n’ya ’yon sa publiko ngayong okey na uli sila. 

“Bati na kami today after pagkahaba habang LQ mula pa nung nasa U.S. kami ni Nana @reginevalcasid !!! [three face with tears of joy emojis].  Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami halos magtabi!” pahayag ng movie and OPM icon sa kanyang IG post kalakip ang sweet series of photos nilang dalawa. 

Sa kasunod na IG post ay ini-engganyo pa n’ya ang asawa na galingan nito sa panunuyo sa kanya. 

“[Three face with tears of joy emojis] Sige pagbutihan mo naybor para Sutart [sweetheart] ka na ulit after 6 months! [red heart emoji]” ani Sharon. 

Happy naman daw s’ya na okey na ulit sila. Akala daw kasi n’ya ay lalala ito at mauuwi na sa hiwalayan. 

“Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na. [Three face with tears of joy and three red heart emojis],” saad n’ya sa isa pang IG post. 

“Reunited after a 6-month long L.Q. which we thought would lead to a separation…[three folded hands and three red hearts emojis],” pagtatapos n’ya. 

Hindi naman nilinaw ni Mega (palayaw ni Sharon sa showbiz) ang dahilan ng kanilang tampuhan. 

Masaya naman para sa mag-asawa ang kanilang mga fans, supporters and celebrity friends gaya ng mag-asawang sina Juday at Ryan, GMA reporter Connie Sison, at talent manger and producer na si Noel Ferrer.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together