Pooh, nami-miss ang karinyo-brutal at pangri-real talk ng namayapang si Chokoleit; "Ang dami kong gustong isumbong sa kanya."

Hindi napigilang maging emosyonal ng komedyanteng si Pooh habang sinasagot ang isang katanungan tungkol sa friendship nila ng namayapang kapwa komedyante at malapit na kaibigang si Chokoleit.

Naganap ang hindi inaasahang pagluha niya during the casual media conference ng TV5 at Cignal Entertainment para sa season finale ng Kapatid sitcom na Oh My Korona, kung saan isa si Pooh sa mga gumaganap at isa rin sa bumuo ng show behind-the-scenes creative.

Natanong kasi namin s’ya kung napapa-isip ba s’ya kung ano kaya ang takbo ng career at friendship nila ni Chokoleit kung sakaling nabubuhay pa ito. 

Matatandaang pumanaw si Chokie (isa pa sa tawag kay Chokoleit) noong March 9, 2019 due to cardia arrest matapos ang kanyang out-of-town show sa Abra.

Ayon kay Pooh, palaging nasa sa isip n’ya ang yumaong kaibigan lalo’t marami umano s’yang gustong isumbong dito.

Lagi akong nag-aano… ang dami kong gustong isumbong kay Chokei, ’yong gusto kong pagalitan n’ya ang mga bakla…Kasi ganu’n nu’ng dati, e,” naiiyak na sabi n’ya. 

Nami-miss ko si Chokoleit. Sobrang nami-miss ko…pero hindi para sumunod ako [sa kanya] ha,” nagpapatawang paglilinaw n’ya habang gumagarapgal ang boses.

Naging motivator daw kasi n’ya si Chokoleit nu’ng nabubuhay pa ito at isa sa pinaka nami-miss n’ya dito ay ang pangri-real talk nito. Karinyo-brutal daw kasi ang istilo ni Choke.

Nami-miss ko s’ya. Kasi Chokei ’yong, ‘Tang*na ka, bakla! Ang aarte-arte mo hindi ka naman masyadong maganda. Wag ka ngang iiyak-iyak d’yan.’ Ganu’n s’ya. ’Yong ihuhubog ka n’yang maging strong,” pagbabalik-tanaw ni Pooh.

Kasi, minsan kasi bumibigay ako. Nagkaroon ako ng depression, anxiety, hindi ko alam kung ano’ng gagawin. Parang si Chokie lang ang gusto kong mapagsumbungan,” pagpapatuloy n’ya. 

Patuloy naman daw siyang nakikipag-usap sa kaibigan through prayers.

Nakikipag-usap ako sa kanya…hindi naman s’ya sumagot…pero ayoko s’yang sumagot [literally],” muling pagbibiro n’ya na muling ikinatawa ng press people. 

Ang galing nga daw kasing mang-real talk ni Chokoleit noon kaya sure s’yang hindi s’ya binobola o shinu-showbiz nito.

Sobrang laki ng [impluwesnya] sa akin ni Chokoleit. ’Yong parang s’ya lang ’yong nasusumbungan ko nang totoo. Kasi s’ya ’yong laging nagsasabi nang totoo, e. S’ya lagi ang nagsasabi sa akin nang totoo,” patuloy ni Pooh.

Pero tsika n’ya, hindi raw maganda ang naging pagsimula ng friendship nila noon. 

Matagal kaming magka-away n’yan…oo. Nagkaroon daw s’ya ng insecurity sa akin dati,” belated revelation niya. “’Di ba, kasi, Chokie ’yan, e. So, pumasok ako, e. Nainis s’ya. Nainggit s’ya. Sinabi n’ya sa akin ’yon…oo.

D’yos ko po! Ayaw akong kasama nu’n…dati,” naiiling but with fondness na pag-alala pa ni Pooh.

Kapag sasampa ako [sa stage] ayaw n’yang ako ang mauuna, ayaw n’yang ako ang mahuhuli [sa pagpe-perform]. Kasi, ’di ba, ganu’n ’yon, e. Pag mahuhuli, s’yempre, ikaw ’yong [big star]…ayaw n’ya nu’n.”

Ganu’n pa man, naging maayos naman daw ang lahat sa pagitan nila nang minsang makapag-usap sila nang masinsinan. Iyon na umano ang umpisa nang malalim nilang pagkakaibigan.

Sabi ko, ‘Bakla ka, hindi tayo magka-away. Magkakampi tayo, magtulungan tayo ngayon.’ Alam mo, simula nu’ng nagkaroon kami ng grupo nina K [Brosas], ’yon, doon na-develop, du’n na-enhance ’yong friendship namin,” sey pa ng veteran standup comedian. 

Nakilala ko s’ya nu’ng nagka-grupo kami tapos nagkausap kami heart-to-heart. Sabi ko, ‘Ay si Chokoleit talaga, totoo [na tao].’”

Doon na raw n’ya naunawaan ang mga pinanggagalingan nito. 

Alam mo ang ugali ni Chokoleit, talagang maldita pero talaga kasing… Ano pala n’ya ’yon…defense mechanism n’ya pala ’yon,” aniya.

“’Yon pala ’yong gusto n’yang i-pronta, pero kung kilalanin mo s’ya sa loob…Naku, Chokie, kung nandito ka lang…”

Napaisip nga daw s’ya na kung nandito pa sana ang kaibigan ay baka namamayagpag din ito bilang isang YouTube vlogger. 

Sabi ko nga, kung nandito pa si Chokie siguro nagba-vlog na rin ’yon ngayon. Napakadami sigurong subscribers nu’n.”

Parehas daw kasi silang hindi fan ng vlogging noon. Pero dahil nauso na ito, malamang daw na hind naman magpapa-iwan si Chokie kung buhay pa ito.

Ang daming nag-aaya sa aming mag-vlog pero parang hindi namin buhay ’yon, parang hindi namin life…o siguro dahil kaliwa’t kanan pa ’yong proyekto namin noon hindi pa namin [masubukang mag-vlog].

Tapos nu’ng pandemic parang ‘Oo nga, ’no?’ Parang ’yon ’yong pinagkakakitaan nila.’ Ngayon, kami wala. Pero buti na lang bago naman nag-pandemic, nakapagsubi nang konti,” pagtatapos ni Pooh.

Samantala, ang Oh My Korona, which stars Pooh along with Maja Salvador, RK Bagatsing, and Joey Marquez, ay napapanood tuwing Sabado ng gabi sa TV5.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together