Nawala man sa sirkulasyon, Cogie Domingo, hindi pa rin isinasantabi ang showbiz


Kinilig ang fans ng 90s heartthrob na si Cogie Domingo nang muli s’yang masilayan sa telebisyon. Naging celebrity guest kasi s’ya kahapon, November 7, sa Bawal Judgment ng Eat Bulaga! Nasa dugo daw n’ya ang pag-aartista kaya kahit na matagal s’yang nawala sa sirkulasyon at nagka-pamilya na ay game pa rin daw ang aktor na balikan ang showbiz.

PHOTOS: @benito.gange on Facebook & @jao_mapa Instagram

Kinilig ang fans ng 90s heartthrob na si Cogie Domingo nang muli s’yang masilayan sa telebisyon. Naging celebrity guest kasi s’ya kahapon, November 7, sa Bawal Judgment ng Eat Bulaga! Nasa dugo daw n’ya ang pag-aartista kaya kahit na matagal s’yang nawala sa sirkulasyon at nagka-pamilya na ay game pa rin daw ang aktor na balikan ang showbiz.

Kahit medyo matagal s’yang nawala sa sirkulasyon ay game pa rin daw ang aktor na si Cogie Domingo na balikan ang showbiz at ang pag-arte. 

Sinabi n’ya ’yan kahapon, November 7, nang mag-guest sila nina Eric Fructuoso, Gio Alvarez, at Jao Mapa—na pawang mga naging heartthrob noong 90s—sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga!

Nakilala noon si Cogie sa youth-oriented show na Click (1999-2004), at bilang katambal ni Sunshine Dizon sa teleseryeng Kung Mawawala Ka (2002). Hinangaan din s’ya sa pelikulang Death Row (2000) kung saan bumida sila ng late actor-director na si Eddie Garcia.

Pamilyado na ngayon si Cogie. Last 2016 nang magpakasal sila ng wife n’yang si Ria Sacasas at meron na silang daughter. Meron din s’yang isa pang anak sa dati n’yang nakarelasyon.

Sa Kapamilya teleseryeng Sandugo naman s’ya huling napanood noong 2019 pa. 

Kaya naman natanong s’ya ni Allan K kung talaga bang nase-set aside ang showbiz kapag nagka-pamilya na ang mga gaya n’yang heartthrob noon.

Dito sinabi ng aktor na hindi naman daw nawala sa puso n’ya ang showbiz at kumpiyansa s’yang kaya pa rin n’yang makabalik sa pag-arte sa harap ng kamera.

“No. Actually, parang ’yong showbiz po hindi po nase-set aside. Nand’yan po palagi sa heart ko pa rin ang pag-arte. Pagka one day, gusto ko bumalik sa pag-arte pa rin parang feeling ko kaya ko pa ring ibalik ’yong dati,” lahad ni Cogie.

Innate na daw kasi sa kanya ang pag-arte kahit noong musmos pa s’ya.

“In born po. Parang in born s’ya, e. Umaarte po talaga ako kahit noong bata pa lang,” pagbibida pa n’ya.

Mas nahasa naman daw ang acting skills n’ya sa tulong ng mga nakatrabaho n’ya noon. Kaya nga na-nominate pa s’yang Best Actor noon sa FAMAS Award para sa pelikula n’yang Death Row.

May workshops po with the help of the director, s’yempre, saka mga kasamahan ko doon na taga-theater. Malaking bagay po talaga. Parang nararamdaman ko lang lagi ’yong role ko. Parang dinadama ko…para ma-express mo ang role mo,” saad pa n’ya. 

Nawala lang s’ya sa limelight dahil mas nag-focus daw s’ya sa kanyang pamilya. Iba daw kasi talaga ang binibigay na saya sa kanya ng pagiging ama at pag-aalaga sa baby girl nila ni Ria.

Pero iba kasi ’yong anak, ’yong joy… Joy na s’ya. Hindi happiness. It’s joy, internal na [saya],” paliwanag pa ni Cogie. 

Natanong naman s’ya ni Maja Salvador sa magiging sagot n’ya kung sakaling dumating ang panahon na magpapaalam sa kanya ang daughter n’ya para pumasok sa showbiz.

“Go, why not?” mabilis na sagot ni Cogie. 

Kinilig naman ang fans ni Cogie na muli s’yang nasilayan sa telebisyon at YouTube channel ng Eat Bulaga!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Zeinab Harake and Wilbert Ross together again in new music video

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa