"MARYA IS OUT" post ni Diamond Star Maricel Soriano, pala-isipan sa fans

Photos: @officialmaricelsoriano
Dahil sa post nyang “MARYA IS OUT,” maraming fans ni Inay Maricel Soriano ang nagtataka at nagtatanong kung ano raw kaya ang magaganap sa 11.19.22?
Sabay-sabay na pinalitan ni Diamond Star Maricel Soriano ang profile picture n’ya sa lahat ng kanyang verified social media accounts—Facebook, Instagram, at Twitter—last weekend.
Prominent ngayon ang blurred at silhouetted photo ng isang tao na tila may inaayos sa bandang ulo.
Sa kanyang Instagram post last Sunday, November 13, pinost din niya ang nasabing larawan na may kasamang all-caps caption na: MARYA IS OUT. 11.19.22.
Nangangahulugan na tila may ia-anunsyo o ire-reveal siya sa Sabado, November 19.
Ikina-excite ito ng kanyang mga fans dahil feeling nila ay may engrandeng magaganap. Marami sa kanila ang nag-repost o retweet ng nasabing post n’ya sa kani-kanilang fandom pages gaya nalang ng Maricel Soriano News page at Maricel Soriano’s Official Friends Forever page sa Twitter; at @maricelsoriano_updates sa Instagram.
Pero marami rin namang fans ni Inay, tawag ng mga fans kay Maricel, ang nagtataka at nagtatanong kung ano raw kaya ang magaganap sa 11.19.22?
“INAY, BAKIT OUT?” tanong ni @dawnmary65
“Music Video na po ba ito? Charot,” hirit naman ni @miyakagail
Tila worried naman si @authenticlaire : “halaa paiexplain po ito nago-overthink na aq.”
Gayun din ang sentiment ni @skaaaaaa1706: “INAYY NAKAKAOOVERTHINK NAMAN YAN ‘MAYA IS OUT’ HAHAHAAH”
“MADAM, ANO TWOAH ?????” tila sigaw naman ni @rae.dcp
“What is going on?” tanong ni @juanawatchfilms
“Grabe, kayanin ko kya ito?” tanong sa sarili ni @maricor_socai
Ano nga kaya ang ibig sabihin ng MARYA IS OUT? Ano ang big reveal? May ipapasok ba kaya siya ang out? May bagong rarampahan na tipong “outing?” o tatanungin lang n’ya tayong lahat—in a major way—kung “maganda ba ako?”
Maki-abang nalang tayo sa Sabado, November 19, sa kanyang YouTube Channel na The Maricel Soriano Channel.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment