Mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo, bonggang Euphoria-themed party ang iniregalo sa debut ng panganay nilang si Yohan


Isa sa mga highlights sa ginanap na debut party ni Yohan Agoncillo ay ang paghataw nila ng kanyang daddy Ryan Agoncillo sa dance floor! Bigay-todong sumayaw ang mag-ama sa kantang "Dynamite" ng sikat ng South Korean boy group na BTS. Isa kasing certified member ng Army (tawag sa fandom ng BTS) si Yohan kaya iyon ang napiling kanta para sa special production number nilang mag-ama.

Photos: Rommel Gonzales, @officialjudayph @reallysharoncuneta

Isa sa mga highlights sa ginanap na debut party ni Yohan Agoncillo ay ang paghataw nila ng kanyang daddy Ryan Agoncillo sa dance floor! Bigay-todong sumayaw ang mag-ama sa kantang “Dynamite” ng sikat ng South Korean boy group na BTS. Isa kasing certified member ng Army (tawag sa fandom ng BTS) si Yohan kaya iyon ang napiling kanta para sa special production number nilang mag-ama.

This writer had the privilege na ma-invite sa  bonggang debut party ni Johanna Lois Agoncillo o Yohan, ang panganay na anak ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo

Ginanap ang belated Euphoria-themed party ni Yohan noong Sabado ng gabi, November 19 (her actual birthday is November 8), sa Axon Hall ng Green Sun Hotel sa Chino Roces sa Makati City.

(Ang Euphoria ay isang sikat na teen series ng HBO na sinusubaybayan ng debutante.)

Bukod kina Ryan at Juday, andoon s’yempre ang dalawang nakababatang kapatid ni Yohan na sina Lucho at Luna Agoncillo.

Dumalo rin ang pamilya nina Ryan at Judy Ann, kabilang na ang parents ni Ryan na sina Daddy Chito at Mommy Nina Agoncillo at nakatatandang kapatid ni Ryan at pamilya nito. Present din syempre ang Santos side of the family led by Mommy Carol Santos, ang Kuya Jeffrey ni Juday at pamilya nito,  at ang kanyang Ate Jackie and her kids.

In attendance din ang long-time BFF ni Juday na si Megastar Sharon Cuneta kasama ang kanyang buong pamilya—former senator husband Kiko Pangilinan and children Frankie, Miel, and Miguel. Tanging si KC Concepcion lamang ang absent.

Nasa party rin ni Yohan ang kanyang Tito Dominic Roque—minus girlfriend Bea Alonzo na nasa Cebu for a Start-Up PH event—na naging malapit din sa pamilya Agoncillo dahil BFF ni Juday ang tita ni Dom na si Beth Tamayo na naka-base na ngayon sa San Francisco, California.

In full party mode rin ang Dabarkads na si Ryzza Mae Dizon na co-host ni Ryan sa Eat Bulaga!. Namataan din namin doon ang sikat na fashion designer na si Paul Cabral, ang makeup artist na si Juan Sarte, at ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer na lumagare sa party ni Yohan at sa M4D (Martin 4 Decades) concert ng kaibigan niyang si Martin Nievera sa The Theatre At Solaire.

Para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat ay may swab test muna at kailangang negative sa COVID bago makapasok sa mismong venue ang lahat ng mga dumalo.

Isa mga highlight sa ginanap na debut party ni Yohan ay ang paghataw nila ng kanyang daddy Ryan sa dance floor!

Bigay-todong sumayaw ang mag-ama sa kantang “Dynamite” ng sikat ng South Korean boy group na BTS.

Isa kasing certified member ng Army (tawag sa fandom ng BTS) si Yohan kaya iyon ang napiling kanta para sa special production number nilang mag-ama.

At habang sumasayaw ang dalawa ay todo rin ang tili at palakpak ni Judy Ann na proud na proud at super-enjoy sa pasabog na performance ng kanyang mag-ama. Pagkatapos noon, umakyat naman ng stage ang poging middle child na si Lucho para alayan ng bouquet of flowers ang kanyang ate. Nagkayapan muna nang mahigpit ang magkapatid.

Samantala, personal naming nasaksihan ang sweetness nina Sharon Cuneta at mister niyang si Senator Kiko Pangilinan sa nasabing debut party ni Yohan.

Halos langgamin sa ka-sweet-an ang mag-asawa that night. Iyo pala ay dahil sa nagsilbi palamng renciliation night nila ang pagdaglo sa party ni Yohan.

Anim na buwan pala kasing may alitan sa pagitan  nila at si Sharon mismo ang nag-reveal nito sa kanyang Instagram post the next day, Sunday.

Shocking ang nasabing rebelasyon ni Sharon dahil muntik na umanong mauwi sa hiwalayan ang kanilang tampuhan. Bagama’t hindi naman niya binanggit ang dahilan ng kanilang alitan, marami ang natutuwang nagka-ayos na sila.

Sa isang post nga ng Megastar ng litrato nilang mag-asawa kung saan nakahilig ang ulo ni Senator Kiko sa balikat ni Mega ay kinikilig na nag-comment pa si Judy Ann ng… “Ayieeeeee!!!!! ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜

Sa isang litrato naman kung saan nakayakap si Senator Kiko sa kanyang misis ay nag-comment naman si Ryan ng… “Love you Ate and Kuya❤

And while si Megastar ang ating topic, kasali siya sa 18 Treasures/Wishes ceremony ng debut. Lahat ng kabilang dito ay kailangang i-describe o ilarawan kung ano ang hawak niyang regalo para sa debutante at kung ano ang kahalagan o kahulugan nito.

Walang bitbit si Sharon na regalo noong umakyat sa stage pero sa speech ay sinabi niyang iniabot na niya kay Judy Ann ang regalo niya kay Yohan. Aniya, hindi raw niya kasi alam ang eksaktong gustong regalo ni Yohan kaya si Yohan na raw ang bahalang pumili kung ano ang gusto ng debutante. Ibig sabihin, salapi ang regalo ni Mega. At dahil kilala namang generous si Mega, kaya marami ang nagpapalagay na bongga ang amount na ibinigay nito kay Yohan.

Dagdag pa ni Mega, kung kulang pa raw ang kanyang regalo ay tawagan lamang siya ni Yohan. Dahil dito, napa-“Ako rin!” ang karamihan ng mga guests na nasa venue.

Bakas ang lubos na kaligayahan ni Yohan ng gabing iyon at kitang-kita ang pagmamahalan na umiiral sa buong Agoncillo family.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together