Louise delos Reyes, nanghihinayang sa mga “wasted time sa mga maling tao, mapa-lover man ’yan or friend.”


Naging masaklap man daw ang naging experience biya sa ilang maling tao sa kanyang nakaraan, hindi pa rin daw ide-delete ni Louise delos Reyes ang part ng journey niya na yon dahil marami namang naituro iyon sa kanya. "Kasi kung made-delete ’yon parang wala akong natutunan, wala din akong nakuha from that experience,” aniya. “Wala akong gustong i-delete."

PHOTOS: @louise.dr on Instagram & Viva Films

Naging masaklap man daw ang naging experience biya sa ilang maling tao sa kanyang nakaraan, hindi pa rin daw ide-delete ni Louise delos Reyes ang part ng journey niya na yon dahil marami namang naituro iyon sa kanya. “Kasi kung made-delete ’yon parang wala akong natutunan, wala din akong nakuha from that experience,” aniya. “Wala akong gustong i-delete.”

Kung may pinanghihinayangan daw ang aktres na si Louise delos Reyes sa buhay n’ya, iyon daw ay ang mga nasayang na oras na iginugol n’ya sa mga “maling tao.”

Sinabi n’ya ito sa media conference nila kamakailan para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie entry nilang Deleter

Base kasi sa title ng kanilang horror film ay natanong ng entertainment press silang mga cast members kung anong bahagi ng buhay nila ang gusto nilang i-delete o burahin kung sakali.

Dito sumagot si Louise at sinabing gusto n’yang maitama sa kanyang buhay noon, kung may chance, ang pagsasayang umano n’ya ng oras sa mga taong hindi naman worth it paglaanan ng panahon. 

Siguro ’yong pag-spent ko ng… ’yong wasted time sa mga maling tao, mapa-lover man ’yan or friend… ’Yon ’yong para sa akin na sana ma-delete ko,” lahad n’ya ng Viva actress. 

Wala naman s’yang binanggit na pangalan kung sino-sino ba ang kanyang pinatutungkulan.

Ayon sa kanya, hindi naman daw kasi ganu’n kadaling makahanap ng totoong kaibigan sa entertainment industry kaya’t maraming oras ang nasayang sa kanya bago n’ya natagpuan ang mga taong masasabi n’yang totoo sa kanya. 

Mahirap kasi talaga makahanap ng totoong connection lalo na sa industry namin. I think naman sa lahat ng industry outside showbiz mahirap makahanap ng ganu’ng connection,” paliwanag ni Louise.

Ngayon kasi mas tini-treasure ko na mas maliit ’yong circle ko pero alam ko na matatakbuhan ko sila anytime,” pagbabahagi pa n’ya.

Makikinig sila kahit gaano kababaw ang rant ko sa kanila. Makikinig sila sa pinakamalalim kong problema.

Ganu’n pa man, may isang parte ng isip n’ya na nagsasabing hayaan na lang kung ano man ang naging karanasan n’ya noon dahil iyon naman daw ang dahilan kung bakit s’ya napunta sa kinalalagyan n’ya ngayon. 

Pero at the same time, parang ang hirap din na i-delete ’yong part na ’yon. Kasi kung made-delete ’yon parang wala akong natutunan, wala din akong nakuha from that experience,” aniya. 

“So, kung sasagutin ko [ang tanong], wala akong gustong i-delete,” pagtatapos ni Louise.

Anyway, kabilang ang aktres sa pelikulang Deleter, ang nag-iisang horror movie na kalahok sa MMFF ngayong taon, kung saan kasama n’ya sina McCoy de Leon, Jeffrey Hidalgo, at Nadine Lustre.

Mapapanood ang Deleter simula December 25 sa mga sinehan nationwide.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together