Enzo Pineda, sinasaway na ng nobyang si Michelle Vito sa pagtanggap ng mga sexy roles
-feature.jpg?v=1668063111)
PHOTOS: @its_enzopineda on Instagram
Halos magkakasunod ang mga nagawa n’yang pelikula na medyo sexy ang tema gaya ng Cinemalaya 2019 entry na Malamaya with Sunshine Cruz at ang Sinag Maynila Film Fest movie na He Who is Without Sin kasama si Elijah Canlas noong 2020. At ngayon naman ay bahagi siya ng sexy-comedy’ng Call Me Papi. Dahil doon, pinaalalahanan daw siya ng kanyang nobyang si Michelle Vito na maghinay-hinay na sa sexy genre. “Ang advice lang ni Michelle sa akin maghinay-hinay. May tendency na baka ma-typecast na lang ako sa mga sexy roles at hindi na ako makapag-progress o makakuha ng ibang mga roles outside that. So, siguro hinay-hinay lang,” paliwanag naman ni Enzo sa ipinupunto ng nobya niya.
Pinatotohanan ng aktor na si Enzo Pineda ang tsika na pinaghihigpitan na s’ya ng nobyang si Michelle Vito sa paghuhubad sa pelikula.
Inamin n’ya ito sa naganap na virtual media conference nila kamakailan for their upcoming sexy barkada comedy movie Call Me Papi.
May pagka-sexy and naughty kasi ang role n’yang si Sonny sa nasabing pelikula kaya naman natanong s’ya ng entertainment press ukol sa umano’y paghihigpit na ginagawa ng kanyang nobyang aktres.
Ayon sa StarStruck Season 5 graduate, totoo ito at nauunawanan daw n’ya ang pinanggagalingan ng kanyang kasintahan.
“Ako, nirerespeto ko ’yong gusto ni Michelle and I understand where she’s coming from,” sagot ng aktor sa press people.
Halos magkakasunod din kasi ang mga nagawa n’yang pelikula na medyo sexy ang tema gaya ng Cinemalaya 2019 entry Malamaya with Sunshine Cruz at Sinag Maynila Film Fest movie na He Who is Without Sin kasama si Elijah Canlas noong 2020.
“Siguro sa mga roles na ginawa ko before, I can say that I’ve been through a lot of sexy roles including this at sa ibang roles na ginagawa ko,” pagpapatuloy n’ya.
Ang concern lang naman daw ng kanyang girlfriend ay baka ma-stuck na s’ya sa ganu’ng genre at characters.
“Ang advice lang ni Michelle sa akin maghinay-hinay. May tendency na baka ma-typecast na lang ako sa mga sexy roles at hindi na ako makapag-progress o makakuha ng ibang mga roles outside that. So, siguro hinay-hinay lang,” paliwanag pa ni Enzo.
Game naman umano s’yang sumubok na gampanan ang iba’t ibang roles kahit na sexy pa ito dahil kasama naman daw sa trabaho n’ya bilang aktor ang mag-explore.
“For me, as an actor naman, it’s very important to at least try to do this type of role once in your life para masabi mo na nagawa mo s’ya. Saka nagkataon naman sa akin lahat po ng mga sexy roles na ginampanan ko magkakaiba po naman lahat ’yon. Hindi naman same story as the other,” lahad pa n’ya.
“Kumbaga, sexy s’ya pero iba ’yong genre ng sexy n’ya. Ako naman, I just have to conscious about it. Kasi s’yempre as an artista, s’yempre marami ding mga tao na who look up to us, iniidolo kami, so our roles that we get somehow reflect our personality.”
At dahil nga iikot sa buhay ng limang magkakabarkadang lalaki na nakatira sa iisang apartment ang kuwento ng Call Me Papi, natanong din si Enzo kung naka-apekto ba sa relasyon n’ya sa kanyang mga kabarkada in real life ang pagkakaroon n’ya ng nobya.
“Sa akin naman hindi. Very blessed ako na si Michelle mataas ang pasensya,” pagmamalaki n’ya. “May mga moments na I can say medyo pasaway po ako, I’m just really blessed to have her na somebody who loves me unconditionally.”
Panay nga daw ang puri ng kanyang kuya at mga kaibigan kay Michelle, at masuwerte daw s’ya na dumating ito sa buhay n’ya.
“Para sa akin hindi naman po nasira [ang samahan ng barkada namin]. Actually, ’yong mga barkada ko pati ’yong kuya ko, sila mismo ’yong nasasabi na I’m very lucky to have Michelle, to have somebody na very conservative, who looks out for my own wellbeing. Kumbaga, I’m more lucky to have her po,” pagtatapos n’ya.
Matatandaang nag-celebrate na sina Enzo at Michelle ng kanilang second anniversary nito lang nakalipas na February.
Anyway, makakasama ni Enzo sina Albie Casiño, Lharby Policarpio, Royce Cabrera, at Aaron Concepcion sa pelikulang Call Me Papi na idinerek ni Alvin Yapan.
Mapapanood ang Call Me Papi starting December 7 in cinemas nationwide.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment