Donnalyn, ayaw tanggaping ang natanggap na P1M+-worth na Chanel watch: “Hindi p’wede. Babayaran ko ’to.”


Dream watch daw ni Donnalyn ang Chanel J12 watch. Pero nagbago raw ang isip niya nang malaman niya ang presyo ng klase ng J12 watch na gusto niya. Umaabot kasi sa mahigit P1M ang presyo nito. Naghunos-dili umano siyang bilhin ito dahil plano pa niyang regaluhan ng bahay sa Amerika ang kanyang parents. 

PHOTOS: Donnalyn on YouTube

Dream watch daw ni Donnalyn ang Chanel J12 watch. Pero nagbago raw ang isip niya nang malaman niya ang presyo ng klase ng J12 watch na gusto niya. Umaabot kasi sa mahigit P1M ang presyo nito. Naghunos-dili umano siyang bilhin ito dahil plano pa niyang regaluhan ng bahay sa Amerika ang kanyang parents. 

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng singer-actress and vlogger na si Donnalyn Bartolome sa pag-a-unboxing ng mga natanggap n’yang birthday gifts. 

Last July pa ang birthday ng tinaguriang Social Media Goddess but she belatedly uploaded her unboxing vlog entry last November 17. Feeling n’ya raw kasi ay undeserving s’ya sa mga regalo na natanggap n’ya. Pero dahil deserve ng mga nagregalo na mapasalamatan sila kaya’t itinuloy na rin ni Donna ang pag-a-unboxing vlog.

At gaya sa mga naging unboxing video n’ya in the past, dagsa rin ang regalong natanggap ni Donna on her birthday this year from her team, celebrity friends, fans, supporters, and mga kapwa-vloggers. 

Pero kung merong regalo na pinaka na-touch ang “Shawty” singer, iyon ay ang gift na natanggap n’ya mula sa kanyang Mommy Tonylyn. 

May ipinahanap daw kasi s’ya ditong branded na relo na bibilhin daw n’ya bilang regalo sa kanyang sarili. Paghawak niya palang sa box ay tila nahulaan na niya ang regalo ng kanyang mommy.

Alam ko na kung ano ito. Kasi may pinabibili ako sa kanyang watch…na ako ang bibili dapat. Feeling ko ito ’yon, e, kasi marahirap itong nahapin, e,” lahad pa n’ya habang binubuksan ang regalo. 

“It’s Chanel…. Feeling ko ito ’yon. Kinakabahan ako. Ang ganda ng box. Box pa lang maganda na,” excited na sabi pa n’ya. 

At nang mabuksan na nga ang kahon ay tumambad sa kanya ang isang white Chanel J12 watch. Saglit na natigilan at kalauna’y naging emosyonal si Donnalyn. 

Gusto daw kasi n’yang magkaroon ng ganitong relo noon pero nagbago ang isip n’ya nang malamang may kamahalan iyon. Aabot kasi sa mahigit P1M ang presyo nito. 

“It’s my dream watch. Ito ’yong watch na pinapahanap ko sa kanya pero nu’ng nalaman ko na medyo mahal, sabi ko, ‘’Di, okey na lang. Wag na ’yan, Mommy. Bibili pa kasi tayo ng bahay ulit.’ ’Yon ’yong sabi ko sa kanya. Tapos binili n’ya,” mangiyak-ngiyak na lahad n’ya. 

Aniya, masyadong mahal ang relo for a gift. Pero dahil kasunduan naman nila noon na hahanapin lang ito ng kanyang mommy for her, kaya’t planong bayaran ni Donna ito sa kanya.

Pero bigla rin s’yang napaisip kung paano pa s’ya bibili ng bagong bahay for her parents?

Bibilhan ko ng bahay si Mommy, si Daddy sa States. Paano tayo bibili ng bahay nito?” natatawang tanong n’ya sa sarili.

Hindi p’wedeng gift mo ’to sa akin, Mom,” tila resolved ng desisyon ni Donna. “Babayaran kita… Hindi p’wede. Babayaran ko ’to, Mom.

“That is too much for a watch. I will not accept this as a gift. May utang ako sa ’yo, Mom.”

’Yong effort pa lang daw ng kanyang mom to find the watch ay sapat ng regalo.

“Thank you. Ang ganda [ng relo]. ’Yong paghanap mo pa lang ng watch na ’to enough na. Thank you,” pagtatapos n’ya. 

Touched din s’yempre si Donna sa iba pang natanggap na regalo gaya ng cake from It’s Showtime co-shot Ryan Bang, pair of earings and bracelet from Jelai Andres, flowers and stuff toy from JM de Guzman, and shoes from Zeinab Harake.

As of this writing ay nasa #1 trending na sa YouTube ang vlog na ito ni Donna na meron ng mahigit 1.3 million views.

Panoorin ang pagiging appreciative ni Donnalyn sa pag-a-unbox n’ya sa mga natanggap n’yang birthday gifts dito:

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together