DongYan couple and kids, nakalipat na sa bago nilang “home sweet home.”
Dinagsa ng pagbati ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa panibagong milestone nila sa kanilang family life.
Nakalipat na kasi sa bago nilang bahay ang celebrity couple kasama ang mga anak nilang sina Zia at Sixto.
Sa Instagram post ni Dingdong kahapon, November 10, in a very subtle way ay ipinaalam n’ya sa kanyang fans and supporters that they have finally moved into their new home.
“Home,” maikling caption ng tinaguriang Kapuso Primetime King sa kanyang IG post kalakip ang photo ng Jesus Christ on the cross sculpture na likha ng artist na si Daniel dela Cruz.
Ipinost din ni Marian ang naturang photo sa kanyang IG account at nilakipan iyon ng caption na, “Home Sweet Home.”
Ipinasilip din ng Kapuso Primetime Queen ang ilang bahagi ng bahay by posting a series of Instagram Stories.
Kabilang nga dito ang photo ng mister niyang si Dingdong kasama ang kanilang aso, ang bedroom ni Zia, at isang full-length mirror and chandelier.
Bumuhos naman ang pagbati sa kani-kanilang Instagram posts mula sa kanilang fans and celebrity friends gaya nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, Gabby Eigenmann, Chynna Ortaleza, Jackie Lou Blanco, Tim Yap, and more.
Congratulations, Marian and Dingdong!
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment