David Chua, nag-sorry kay Cristine Reyes matapos silang ma-link dahil sa panonood ng concert na magkasama


Kung may panliliigaw man daw na gustong gawin ni David kay Cristine, ito ay ang mayaya ito para maging bahagi ng kanyang TV series sa Net 25, ang Goodwill pero alam naman daw ni David na kailangan niyang dumaan sa Viva. In fact, initially ay sa isang pelikula niya ito gustong yayain pero pumasok ang Goodwill.

Photos: screengrab from @davidchua IG Reels

Kung may panliliigaw man daw na gustong gawin ni David kay Cristine, ito ay ang mayaya ito para maging bahagi ng kanyang TV series sa Net 25, ang Goodwill pero alam naman daw ni David na kailangan niyang dumaan sa Viva. In fact, initially ay sa isang pelikula niya ito gustong yayain pero pumasok ang Goodwill.

Ayon sa isang taong malapit sa aktor na si David Chua, tumawag na raw ito kay Cristine Reyes para ihingi ng paumanhin ang biglaang pagkaka-link nila matapos niyang labas sa Instagram Reels ang video ng grupo nila habang nakiki-sing-along at nanonood ng LANY Concert last Friday, November 11, sa MOA (Mall of Asia).

Hindi raw akalain ni David na magkakaroon ng ganoong epekto ang inilabas niyang video dahil kita naman daw doon na isang tropa silang magkakasama sa panonood kabilang na ang mga aktres ding sina Devon Seron at Kat Galang.

Nagkataon na may mga entertainment sites na siningle-out sila sa pag-i-screengrab kaya’t nagmukang sila lang ang magkasama. Pero kung panonoorin daw ang buong video ay marami sila.

Ani David, through our source, matagal na ring magka-ibigan ang dalawa dahil kapwa sla naging mag-Kapamilya sa ABS-CBN. Pero second time palang daw nilang lumabas noong nanood ng LANY concert. The first time ay naganap about a year ago. They went out for dinner isang tropahan din daw sila noon kasama pa si Enchong Dee at ibang taga-star Magic.

Kung may panliliigaw man daw na gustong gawin ni David kay Cristine, ito ay ang mayaya ito para maging bahagi ng kanyang TV series sa Net 25, ang Goodwill pero alam naman daw ni David na kailangan niyang dumaan sa Viva. In fact, initially ay sa isang pelikula niya ito gustong yayain pero pumasok ang Goodwill.

Pero ayon sa taong malapit kay David, matagal na raw may crush si David kay Cristine dahil sino daw ba naman ang hindi hahanga sa magandang aktres. Pero hindi raw ibig sabihin na “dating” ang kanilang panonood ng concert. Simpleng yayaan ng tropa lang to na nabigyan ng ibang kulay.

Baka naman, para-paraan din? =)

YOU MAY ALSO LIKE:

David Chua sits as juror at the 2022 Soho International Filmfest in New York; meets up with former Halik co-star Yam Concepcion

David Chua aims to inspire in “Superhero” music video

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Sunshine Guimary, may kondisyon na sa pagpapa-sexy sa movie: “Gusto ko ’yong sexy na classy.”

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online