Coleen Garcia, hindi pa handang bigyan ng kapatid si Amari


Bagama't sa tingin ni Coleen Garcia ay kaya naman nilang i-manage ng asawa niyang si Billy Crawford ang dalawang anak, ay mas gusto raw muna nilang mag-focus kay Amari. Baka masyado raw kasing magbago ang dynamics nila kung dalawang anak agad ang aasikasuhin nila dahil mahahati ang kanilang atensyon. "I feel like if we had another child now...kaya naman, manageable naman. Pero, the way na natutukan namin s'ya ngayon iba," lahad ng aktres. "Although we can multi-task, mas gusto ko 'yong, you know, focus talaga," dagdag pa niya.

PHOTOS: @coleen on Instagram

Bagama’t sa tingin ni Coleen Garcia ay kaya naman nilang i-manage ng asawa niyang si Billy Crawford ang dalawang anak, ay mas gusto raw muna nilang mag-focus kay Amari. Baka masyado raw kasing magbago ang dynamics nila kung dalawang anak agad ang aasikasuhin nila dahil mahahati ang kanilang atensyon. “I feel like if we had another child now…kaya naman, manageable naman. Pero, the way na natutukan namin s’ya ngayon iba,” lahad ng aktres. “Although we can multi-task, mas gusto ko ‘yong, you know, focus talaga,” dagdag pa niya.

Kung ang aktres na si Coleen Garcia daw ang masusunod, ayaw muna niyang bigyan ng kapatid ang baby boy nila ni Billy Crawford na si Amari. 

Inilahad niya iyan sa virtual media conference ng kaniyang psychological domestic thriller movie na Kaluskos kahapon, November 17.

Single mom na nakikipaglaban sa custody ng kanyang anak ang papel ni Coleen sa pelikula kaya’t sa pagiging mommy niya na-focus ang tanong ng entertainment press.  

At kabilang nga sa nausisa sa kanya ay kung napapa-isip na ba sila ng husband niyang si Billy na sundan na ang two-year-old nilang panganay na si Amari at bumuo ng panibagong baby. 

“It’s a good time na actually, pero it’s still up to God pa rin at the end of the day,” sagot ni Coleen sa press habang nasa France.

Hindi naman daw kasi madali ang magbuntis, manganak, at magpalaki ng baby.

Na-realize ko din naman, akala ko kasi nu’ng pregnant ako, sabi ko, ‘Parang madali lang ito. Nine months lang ang mawawala sa akin,’” pagbabalik-tanaw ng celebrity mom. 

Pero hindi, two years ‘yong nawala sa akin, e. And I don’t feel it’s gonna be cut anytime soon, ‘di ba?

Sa ngayon ay priority umano niya ang unico hijo nila ni Billy na maibigay ang lahat ng pangangailangan nito. Baka magbago daw iyon kung dalawang anak agad ang aasikasuhin nila dahil mahahati ang kanilang atensyon.

“It’s not easy and sa akin kasi, gusto ko lang matutukan si Amari. And I feel like if we had another child now...kaya naman, manageable naman. Pero, the way na natutukan namin s’ya ngayon iba,” lahad ng aktres. 

“Although we can multi-task, mas gusto ko ‘yong, you know, focus talaga,” dagdag pa niya.

Maipapaliwanag naman daw nila sa anak ang kanilang dahilan kapag dumating na ang panahong maglambing na ito na mabigyan ng kapatid.

“And then, kapag nakakausap na namin s’ya… Nakakaintindi na s’ya, ‘di ba? Mae-explain na namin, maiintindihan n’ya. ‘Yon ‘yong ideal time para sa akin na masundan s’ya,” ani Coleen. 

At bilang first-time mom, may mga bagay daw siyang na-discover habang pinapalaki si Amari. Kabilang na dito ang pagiging matatakutin nito sa ilang bagay gaya rin ng ibang bata. 

“Actually, may mga irrational fears s’ya. Kagaya nang nag-blow dry ako ng buhok, takot s’ya sa blow dryer,” natatawang k’wento niya.

“‘Yong mga ganu’n lang naman kasi hindi n’ya maintindihan. So most of the things na kinakatakutan n’ya hindi n’ya naiintindihan.”

Hindi naman umano niya pini-pressure ang bata to conquer his fear agad-agad, bagkus ay unti-unti niyang ipinapaliwanag dito kung ano at saan ginagamit ang blow dryer. 

“What I do is hindi ko s’ya pini-pressure kasi that’s what builds trauma, e, kung ipipilit mo s’ya na i-face ‘yong fear na ‘yon,” lahad ni Coleen. 

“So, parang pinapakita ko na lang sa kanya, explain ko sa kanya, ‘Look! It’s a blow dryer. It’s not hurting mommy.’ Tapos parang uuntiin ko.

“And you know, it’s just important na gentle ‘yong approach. Hindi ‘yong bibiglain mo ‘yong bata kasi that’s what creates trauma kahit irrational ‘yong fear na ‘yon.”

Nauunawaan umano niya ang pinanggagalingan ng kanyang anak dahil dumaan din siya sa ganu’ng sitwasyon noon.

Nu’ng bata ako, takot ako sa escalator. Ngayon, parang iisipin mo parang it’s so irrational. But for me at that time, it’s very real ‘yong fear na ‘yon kahit gaano s’ya ka-irrational para sa ating mga adults,” pagbabahagi ng Viva actress. 

“So, it’s important talaga na may buwelo to be very gentle and considerate sa feelings nila kahit ikaw hindi mo maintindihan,” pagtatapos niya. 

Samantala, mapapanood si Coleen sa pelikulang Kaluskos kung saan kasama niya sina Queenzy Calma, Karl Medina, Cara Gonzales, and more. 

Una na itong ipinalabas sa Cinemalaya Film Festival nitong nakalipas na August hanggang October. Muli itong mapapanood in cinemas nationwide starting November 30.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together