Aljur Abrenica, “commitment” ang Christmas gift kay Kylie Padilla; ano naman kaya ang para kay AJ Raval?
![Ano ang Christmas gift/wish ni Aljur Abrenica para sa estrange wife niyang si Kylie Padilla at rumored GF na si AJ Raval? "Kay AJ, lahat nang makakabuti para sa kanya, mangyari. ’Di ko alam kung maibibigay ko ’yon pero wini-wish ko ’yon para sa kanya,” sagot ni Aljur. “Commitment [naman] kay Kylie...commitment na I’ll always be there for her and for our kids. My attention, my time…lagi akong nand’yan sa kanila whenever they need me. And love.”](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/2719d3088a5fe4ee5163a6486db4e179/images/109f08ce8c30365b3040d1284390101e/conversions/THUMBNAIL-(24)-feature.jpg?v=1668492696)
PHOTOS: Morly Alinio on YouTube, and @KyliePadilla & @AjRavalOfficialPage on Instagram
Ano ang Christmas gift/wish ni Aljur Abrenica para sa estrange wife niyang si Kylie Padilla at rumored GF na si AJ Raval? “Kay AJ, lahat nang makakabuti para sa kanya, mangyari. ’Di ko alam kung maibibigay ko ’yon pero wini-wish ko ’yon para sa kanya,” sagot ni Aljur. “Commitment [naman] kay Kylie…commitment na I’ll always be there for her and for our kids. My attention, my time…lagi akong nand’yan sa kanila whenever they need me. And love.”
Game na ibinahagi ng aktor na si Aljur Abrenica ang kanyang plano para sa papalapit na Pasko at kung ano ba ang mga regalo na gusto n’yang ibigay to his loved ones.
Inilahad n’ya ang mga ito sa vlog entry ng showbiz writer/ host and vlogger na si Morly Alinio na in-upload kamakailan sa YouTube.
Doon kasi ay natanong ni Morly si Aljur kung ano ba ang plano n’yang gawin this coming Christmas.
Ayon sa aktor, priority n’ya ang dalawang anak nila ng estranged wife n’yang si Kylie Padilla sa paparating na Kapaskuhan.
“For now, ang plano ko pa lang is kung paano mapapasaya ang mga bata,” lahad ng celebrity dad referring to his sons Alas and Axl.
Ngayon pa nga lang daw ay may mga request na regalo na ang mga ito mula sa kanya.
“Well, ’yong panganay ko nanghihingi ng motor. Si Alas gusto mag-motocross. Sabi ko, ‘Pag-six years old ka na.’ Si Axl naman, excavator [ang Christmas wish], ’yong sa lupa,” natatawang pagbabahagi n’ya.
Wala naman daw hiling na material things ang mga magulang n’ya kundi makasama ang mga apo nila.
“Ang parents ko naman gusto nila makita ’yong mga bata so… gathering pag New Year. New Year talaga kami magkakasama,” saad pa n’ya.
Diretsahang natanong din ng isa pang showbiz reporter ang aktor kung ano ba ang plano n’yang ibigay na regalo para sa rumored girlfriend n’ya na si AJ Raval.
“Ang gusto ko lang sa kanya, ano, e…maging masaya s’ya, na lahat ng wish n’ya, lahat nang makakabuti para sa kanya, mangyari. ’Di ko alam kung maibibigay ko ’yon pero wini-wish ko ’yon para sa kanya,” sagot ni Aljur.
At dahil natanong na rin lang s’ya sa magiging regalo umano n’ya for AJ, nausisa pa ang aktor kung ano naman ang p’wede n’yang Christmas gift for Kylie.
“Commitment kay Kylie,” he answered. “Commitment na I’ll always be there for her and for our kids. My attention, my time…lagi akong nand’yan sa kanila whenever they need me. And love.”
At nang matanong naman kung ano ang gusto n’yang matanggap na regalo ngayong Pasko, hindi rin materyal na bagay ang wish ni Aljur kundi ang makasama sa celebration ang kanyang pamilya.
“Makasama ko ’yong nanay ko, tatay ko, mga kapatid ko saka mga anak ko…buo kami,” pagtatapos n’ya.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment