Sarah Geronimo, buntis na nga ba?


“Baka ito na nga ang dahilan para lumambot na ang puso ni Mommy Divine [Geronimo] dahil makikita na niya ang kanyang apo kay Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli,” ani Ogie Diaz ukol sa nasagap niyang nagdadalang-tao na umano si Sarah. “Kung totoo man ang balita, ha? Kaya hintayin natin ang kanilang confirmation or denial. Totoo ba?” As of this writing ay wala namang announcement ang AshMatt couple tungkol sa balitang ito.

PHOTOS: @SGeronimo25 on Facebook

“Baka ito na nga ang dahilan para lumambot na ang puso ni Mommy Divine [Geronimo] dahil makikita na niya ang kanyang apo kay Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli,” ani Ogie Diaz ukol sa nasagap niyang nagdadalang-tao na umano si Sarah. “Kung totoo man ang balita, ha? Kaya hintayin natin ang kanilang confirmation or denial. Totoo ba?” As of this writing ay wala namang announcement ang AshMatt couple tungkol sa balitang ito.

Gaano katotoo ang tsika na umano’y ipinagbubuntis na ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang first baby nila ng mister niyang si Matteo Guidicelli?

Naisingit kasi ito sa usapan ng comedian-vlogger at talent manager na si Ogie Diaz at mga co-hosts niyang sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa episode ng Ogie Diaz Showbiz Update few days ago.

Unang nabuksan ang paksa about Sarah and her Mommy Divine matapos maglabas ng online letter itong si Sarah kamakailan kung saan ay nag-public apology s’ya sa kanyang mga magulang at pamilya.

Alam ng publiko na hindi naging maganda ang relasyon ng mag-ina nang biglang magpakasal si Sarah at Matteo na hindi nalalaman ni Mommy Divine noong February 2020. 

Kalaunan ay binura din ng singer-actress ang nasabing post.

Dito na na-segue ang usapan nina Ogie dahil sa nasagap n’ya umanong bali-balita kung bakit hindi daw muna tumatanggap ng out-of-town project si Sarah ay dahil nagdadalang-tao na umano ito.

Uy, ano nga itong narinig ko Loi ha, saglit, oo, na ito raw si Sarah Geronimo, kaya hindi muna or hindi pansamantala na tumatanggap ng mga out-of-town shows ay dahil siya ay buntis na?” tanong ni Ogie sa kanyang co-host.

Kung may katotohanan man daw ang balitang ito, baka ito na umano ang maging susi para mapatawad ni Mommy Divine ang anak n’yang si Sarah.

“Wow! Kung totoo man ito, aba naku, I’m sure, ito na ’yong sinasabi ng matatanda na mas mahal ang tubo kaysa sa puhunan,” komento ng comedian and talent manager.

Baka ito na nga ang dahilan para lumambot na ang puso ni Mommy Divine dahil makikita na niya ang kanyang apo kay Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli...kung totoo man ang balita, ha? Kaya hintayin natin ang kanilang confirmation or denial. Totoo ba?” pahabol na tanong pa n’ya. 

As of this writing ay wala namang announcement ang AshMatt couple tungkol sa balitang ito. 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together