Ronnie Liang sa pagiging army reservist/volunteer kapag may kalamidad: "It is fulfilling and nothing can match that feeling."


Inilarawan ng singer-actor na si Ronnie Liang na fulfilling ang pagbo-volunteer sa mga relief operation kapag may kalamidad. Isa nga daw ito sa mga dahilan kaya siya nagpasya noon na maging army reservist. "Volunteering in case of calamities, like repacking relief goods for typhoon-stricken victims, is what a Reservist signed up for and what I love doing because it is fulfilling, and nothing can match that feeling; even what I did is just something small. I believe that the collective efforts of group volunteers can make a big difference," pahayag ng Viva recording artist.

PHOTOS: @ronnieliang on Facebook

Inilarawan ng singer-actor na si Ronnie Liang na fulfilling ang pagbo-volunteer sa mga relief operation kapag may kalamidad. Isa nga daw ito sa mga dahilan kaya siya nagpasya noon na maging army reservist. “Volunteering in case of calamities, like repacking relief goods for typhoon-stricken victims, is what a Reservist signed up for and what I love doing because it is fulfilling, and nothing can match that feeling; even what I did is just something small. I believe that the collective efforts of group volunteers can make a big difference,” pahayag ng Viva recording artist.

Wala daw mapagkumparahan ng feeling ang singer-actor at army reservist na si Ronnie Liang sa tuwing nakakatulong siya sa kanyang mga kababayan sa tuwing may kalamidad. 

Iyan ang inilahad niya sa kanyang identical Facebook and Instagram posts recently.

“Today, I am not an artist, actor, or celebrity. I am just simply me, an Army Reservist,” panimulang lahad ni Ronnie sa kanyang social media posts.

Kalakip nito ang series of photos na kinunan sa isang warehouse ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan kasama siya sa mga nagre-repack ng relief goods para sa mga sinalanta ng bagyong Paeng.

Goal umano nilang makapag-produce ng 25,000 family food packs na ipapamahagi sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

Inilarawan ni Ronnie na fulfilling para sa kanya ang pakikiisa sa ganitong gawain. Isa nga daw ito sa mga dahilan kaya siya nagpasya noon na maging army reservist. 

“Volunteering in case of calamities, like repacking relief goods for typhoon-stricken victims, is what a Reservist signed up for and what I love doing because it is fulfilling, and nothing can match that feeling; even what I did is just something small. I believe that the collective efforts of group volunteers can make a big difference,” pahayag ng Viva recording artist.

Nagbigay din ang commercial pilot ng mensahe para sa mga biktima ang nagdaang bagyo at sa mga kapwa niya army reservist. 

“To all typhoon victims, I will pray for you and I will repack for you. To my fellow Reservists, kasama ninyo ako sa pagtulong, sa pagbuhat ng mga karton at sa pag-repack ng mga delata at bigas. Sama sama po tayo, sa hirap at ginhawa. #ParaSaBayan #ServingthePeopleSecuringtheLand #PaengPH,” pagtatapos ni Ronnie.

Hindi ito ang unang beses na naging aktibo ang singer-actor sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyo.

Matatandaan na noong tumama ang Typhoon Odette sa bansa last December 2020 ay isa si Ronnie sa mga nag-donate ng construction materials sa mga taga-Cebu para muling maitayo ang mga nasirang bahay doon. 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together