Real-life doctors na mga sikat na content creators din, mapapanood sa Jillian Ward-starrer na Abot Kamay Na Pangarap


Simula mamayang hapon, matutunghayan sa series si Dr. Alvin Francisco, isang radiologist na may more than 660,000 followers sa Facebook, 513,000 subscribers sa YouTube, at 300,000 followers sa TikTok. Mapapanood din soon si Dr. Kilimanjaro Tiwaquen, isang physician na may 4.3M followers sa TikTok at 3.3M followers sa Facebook.

Photos: Winston Kilimanjaro Creones Tiwaquen and Doc Alvin Francisco Facebook

Simula mamayang hapon, matutunghayan sa series si Dr. Alvin Francisco, isang radiologist na may more than 660,000 followers sa Facebook, 513,000 subscribers sa YouTube, at 300,000 followers sa TikTok. Mapapanood din soon si Dr. Kilimanjaro Tiwaquen, isang physician na may 4.3M followers sa TikTok at 3.3M followers sa Facebook.

Ilang sikat na content creators at mga real-life doctors ang mapapanood na rin sa hit medical drama na Abot Kamay Na Pangarap!

Simula mamayang hapon, matutunghayan sa series si Dr. Alvin Francisco, isang radiologist na may more than 660,000 followers sa Facebook, 513,000 subscribers sa YouTube, at 300,000 followers sa TikTok.

Mapapanood din soon si Dr. Kilimanjaro Tiwaquen, isang physician na may 4.3M followers sa TikTok at 3.3M followers sa Facebook.

Recently nga ay nag-post ang dalawang doktor sa kani-kanilang social media accounts ng selfies kasama ang cast ng programa kabilang ang bida rito na si Jillian Ward, who is playing as Dra. Analyn Santos.

Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ng youngest doctor sa bansa? Sila ba ay magiging kaaway o kakampi ni Dra. Analyn?

Samantala, talagang marami ang sumusubaybay sa inspiring na kwento ng mag-inang sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn dahil mayroon nang 513M views on TikTok ang serye! Mula October 10-17, nananatili rin itong No. 1 Kapuso show sa YouTube with more than 20M views habang more than 300,000 views naman sa website ng GMA Network.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay napapanood Lunes hanggang Sabado, 2:30 PM, sa GMA Afternoon Prime.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency