Pika's Pick: Angelica Panganiban proudly shows her daughter’s face for first time; motherhood also reveals her inner poet

Angelica Panganiban: Pangakong ibibigay ko sayo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sakin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako.
Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sayo.
Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinaka matalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kwento mo, na susuporta at tutulak sayo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo.
Hindi ko kakalimutan ang tunog at pakiramdam ng tibok ng puso mo nang sa ganon, matulungan kitang buuin ito kapag pakiramdam mo binigo ka nito.
Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pag buo at pag kumpleto mo sakin. Maraming salamat at ginawa mo kong isang ina, anak.
Angelica Panganiban: Hello world! It’s been a month mom and dad are finally ready to share me with you. So, here i am
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment