Ivana Alawi at Robi Domingo, may sagot sa ini-leak na komento sa kanila ni Zeinab Harake; Zeinab at Wilbert Tolentino, nagkapatawaran na?
![As of this writing ay tila kapwa humupa na silakbo ng damdamin ng mga vloggers na sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino. Mukhang nagkapatawaran na sila at nasa proseso na ng pagmo-move on. Iyan ay kung pagbabasehan ang latest FB post nilang dalawa. “Forgiveness is a gift to humanity to attain peace. Masarap sa pakiramdam at sa kalooban na walang puot at hinanakit sa sarili at sa kapwa. Moving forward is not a straight line, there we’ll be curves in the long run. Pero willing ko po itong tatahakin,” lahad ni Wilbert. “Mag move on matuto magpatawad humingi ng tawad at ayusin ang mga pag-kakamali. [S]alamat sa leksyon mas magiging mabuti tayong tao kung pipiliin natin umiwas sa pagkakamali. [A]gain sa inyong lahat patawad at salamat,” sey naman ni Zeinab. ](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/18064d61b6f93dab8681a460779b8429/images/600c273011dd92cffe8bb70613bd796f/conversions/THUMBNAIL-(5)-feature.jpg?v=1666747868)
PHOTOS: @zeiharake11 & @SirWilOfficialFanPage on Facebook; INSET: @IvanaAlawi & @OfficialRobiDomingo on Facebook
As of this writing ay tila kapwa humupa na silakbo ng damdamin ng mga vloggers na sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino. Mukhang nagkapatawaran na sila at nasa proseso na ng pagmo-move on. Iyan ay kung pagbabasehan ang latest FB post nilang dalawa. “Forgiveness is a gift to humanity to attain peace. Masarap sa pakiramdam at sa kalooban na walang puot at hinanakit sa sarili at sa kapwa. Moving forward is not a straight line, there we’ll be curves in the long run. Pero willing ko po itong tatahakin,” lahad ni Wilbert. “Mag move on matuto magpatawad humingi ng tawad at ayusin ang mga pag-kakamali. [S]alamat sa leksyon mas magiging mabuti tayong tao kung pipiliin natin umiwas sa pagkakamali. [A]gain sa inyong lahat patawad at salamat,” sey naman ni Zeinab.
Inilabas kasi ng businessman, vlogger, and talent manager na si Wilbert Tolentino ang ilan sa mga screenshot photos mula sa private conversations between him and Zeinab sa social media at kabilang sa mga pangalang nabanggit doon ang dalawang bituin ng ABS-CBN.
Nag-ugat ang komplikadong online feud na ito sa naging hanash ni Zeinab sa kanyang deleted Facebook post kung saan naglabas s’ya ng saloobin matapos umano s’yang traydurin ng isang malapit na kaibigan.
Bagama’t wala pinangalanan ang sikat na vlogger ay ipinagpalagay na agad ng mga nakabasa ditong netizens na ang talent manager ni Herlene Budol na si Wilbert ang pinatutungkulan n’ya sa kanyang FB post. Naging malapit na magka-ibigan kasi ang dalawa at si Zeinab ang kine-credit ni Wilbert bilang nag-introduce sa jkanya sa mundi ng vlogging.
Nakasaad kasi sa ipinost n’ya ang mga katagang “kaya kang lokohin ng kapwa mo babae, bading na akala mo inay inay mo…”
At nitong Sunday nga, October 23, nagkaroon ng big revelation sa kanyang more than 20-minute video sa social media itong si Wilbert para umano sagutin ang naging “patama” sa kanya ni Zeinab.
Sa nasabing video ay inisa-isa n’ya ang mga nagastos at tulong na ibinigay umano n’ya noon sa vlogger.
Inihayag din n’ya ang umano’y pangmamaliit nito sa ilang vloggers gayun din ang umano’y paninira sa mga taong malalapit dito gaya ng mga actresses-vloggers na sina Donnalyn Bartolome at Jelai Andres.
Bilang patunay, inilabas ni Wilbert ang mga “resibo” o screenshot photos mula sa mga naging conversations nila.
Mababasa nga doon ang mga komento ni Zeinab sa ilang kapwa n’ya vloggers at ilang celebrities at dahilan umano nito kung bakit ayaw nitong makipag-collab sa mga iyon.
Kabilang sa mga nabanggit ang pangalan ni Ivana. Hindi malinaw ang komento ni Zeinab sa kanya pero sa inilabas na screenshot photo, mababasa doon ang sinabi nitong, “[M]ga matataas ihi kasi [M]a. [M]ay chika ako sayo.”
Lumalabas din sa isa sa mga usapan nila before na binalaan nitong si Zeinab si Wilbert na huwag makipag-collab sa Kapamilya TV host na si Robi.
“[W]ag ung [R]obi [D]omingo ha. [W]alang market dun maloka ka dun shhh lang,” pagwa-warning umano ni Zeinab.
Ilan pa sa mga nabanggit ay ang Kapuso star na si Sanya Lopez, Pinoy Big Brother (PBB) housemate Madam Inuts, Whamos, Toni Fowler, and more.
Agad din namang nag-Facebook Live that same day si Zeinab para dumipensa at linawing hindi para kay Wilbert ang FB post na tinutukoy nito sa video.
Pinabulaanan din n’ya ang paninira daw n’ya sa mga malalapit n’yang kaibigan at kapwa-vlogger.
Agad rin siyang humingi rin s’ya ng tawad sa mga celebrities na nadamay sa issue nila ni Wilbert.
Samantala, tila may sagot si Ivana matapos lumabas ang pangalan n’ya sa isyu.
“A Pretty Face gets old, that Nice Body will change but a Good heart will always remain,” pahayag ng A Family Affair lead actress sa kanyang post kahapon, October 25.
At tungkol naman sa wala umanong “market” si Robi, “Oh wow. How true?” naman ang naitugon ng TV host na idinaan n’ya rin sa kanyang Twitter post.
Dagdag-patol pa ng TV host, nag-tweet s’ya ng photo ng literal na market o palengke kung saan nakapaskil ang kanyang pangalan.
“‘Akala mo lang wala, pero MERON, MERON, MERON!’” pabibiro pa n’ya sa inilagay n’ya ditong caption na hango sa iconic line ni Carlo Aquino sa pelikulang Bata, Bata… Paano Ka Ginawa?
As of this writing ay mukhang nagkapatawaran na sina Wilbert at Zeinab at nasa proseso na ng pagmo-move on. Iyan ay kung pagbabasehan ang latest FB post nilang dalawa.
“Forgiveness is a gift to humanity to attain peace. Masarap sa pakiramdam at sa kalooban na walang puot at hinanakit sa sarili at sa kapwa. Moving forward is not a straight line, there we’ll be curves in the long run. Pero willing ko po itong tatahakin,” lahad ni Wilbert.
“Mag move on matuto magpatawad humingi ng tawad at ayusin ang mga pag-kakamali. [S]alamat sa leksyon mas magiging mabuti tayong tao kung pipiliin natin umiwas sa pagkakamali. [A]gain sa inyong lahat patawad at salamat,” sey naman ni Zeinab.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment