Ice Seguerra, alay sa asawang si Liza Diño ang tagumpay ng kanyang 35th anniversary concert

PHOTOS: @iceseguerra on Instagram; Rose Valenzuela on Facebook
Todo-todo ang pasasalamat ng singer-songwriter and now-director na si Ice Seguerra sa wife n’yang si Liza Dino na s’ya palang nasa likod ng tagumpay ng kanyang solo major concert. Ito daw kasi ang talaga ang nag-conceptualize ng lahat hanggang sa nabuo ang kanyang showbiz anniversary concert.
Todo-todo ang pasasalamat ng singer-songwriter and now-director na si Ice Seguerra sa wife n’yang si Liza Diño na s’ya palang nasa likod ng tagumpay ng kanyang solo major concert.
Ginanap nitong Sabado, October 15, sa Solarie Resort ang concert ni Ice entitled “Becoming Ice” para sa kanyang 35th anniversary sa showbiz at naging very successful ’yon.
Mula sa pagiging puno at sa pagiging tambak ng mga bigating guests gaya nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, at Vic Sotto, ay talaga namang every moment a success na matatawag ang nasabing concert niya.
Aminado si Ice na nag-aalinlangan s’ya nu’ng umpisa pero thankful s’ya ngayon na nakinig s’ya sa suggestion ni Liza na magkaroon nga s’ya ng concert ngayong taon.
“Early this year, Liza suggested that I should do a concert to celebrate my 35 years in the industry. Medyo hesitant ako kasi alam kong ibang klaseng stress ang kailangan pagdaanan para sa isang solo major concert. Buti na lang, nakinig ako,” panimulang kuwento n’ya last October 16 sa kanyang mahabang Instagram post na tribute n’ya rin para sa kanyang asawa.
Ito daw kasi ang talaga ang nag-conceptualize ng lahat hanggang sa nabuo ang kanyang showbiz anniversary concert.
“Last night’s concert wouldn’t be the way it was if it weren’t for her. Becoming Ice was her brainchild,” pagre-recall ng singer-songwriter.
“From the title, to how it should be presented (sabi niya, we should do a hybrid of a documentary/live show), yung flow from childhood to now and how it seamlessly transitioned from one chapter to the next.”
Nagawa rin daw ni Liza na mapalabas s’ya sa kanyang kahon para makapag-showcase ng bago para sa kanyang manonood.
“Siya rin ang nagpasayaw sa akin, nagpaiyak at nagpabirit sa akin. She wanted people to see what I can do, things I don’t normally perform during gigs. In short, sobrang chinallenge niya ako at gusto niya akong hingalin ng todo-todo. Hahaha!” pambubuko ni Ice.
Superwoman nga raw na maituturing itong dating chair ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) dahil nagawa nitong mag-isa ang usually ay trabaho ng iba’t ibang tao sa likod ng mga konsyerto.
“From the videos which she meticulously visualized and made sure na every edit that you see is what it was supposed to be, to getting sponsors, to talking to different talent coordinators and press people to help us promote the show, pati social media promotions, fixing all the tickets down to the last minute, and every single thing in between na normally iba ibang tao ang gumawa, ginawa niyang lahat yun,” pagbibida ng former child star sa kanyang misis.
“On top of all that, nagawa pa niyang magluto ng hipon tsaka adobo para sa aming lahat, bago humarap sa mga tao sa box office. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano niya nagagawa yung mga yun,” he continued.
“Over all concept and creative direction, producer, taga benta ng tickets, runner, cashier…all rolled into one.”
Kaya naman kahit hesitant before at maikli lang panahon ng kanilang preparation ay nagawa nilang maitawid lahat dahil sa husay at dedication daw ni Liza.
“We only had less than 2 months to prepare for it and there was even a time na nagdalawang isip na ako if kaya ba talaga namin to. But with someone like her on top of things, nothing is impossible,” aniya.
Kaya naman walang mapaglagyan ng pasasalamat ngayon ni Ice dahil meron s’yang Liza sa kanyang tabi.
“Thank you, love, for seeing something in me and for believing that I can do so much more,” pag-a-address n’ya sa kanyang asawa.
“Being with you not only helped me elevate my artistry but you also made me understand the importance of collaboration and respecting other people’s work,” he continued.
“Thank you for also putting structure to my chaos. For understanding the thoughts I cannot articulate and hearing the words I cannot even say.
“Thank you for being my inspiration, my biggest critic, and my number 1 fan,” pagtatapos ni Ice.
Congratulations, Ice and Liza!
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment