Donita Nose, imbyerna sa isang airline company
-feature.jpg?v=1666065835)
PHOTO: @donitanose on Instagram
Hassle is real daw ang nangyari para sa kanya lalo pa’t kailangan niyang magbihis ng pantulog. Pero iyon nga, nasa Maynila pa ang kanyang mga damit na naiwan ng airline. “Ang hirap kumilos ng wala yung mga gamit ko…so naglinis na ko ng katawan syempre magpapalit lahat so buti na Lang May t shirt na nahiram Kasi gabi na Wala na mabilhan,” aniya.
Sa kanyang Instagram post kagabi, October 17, hindi maikakailang nairita si Donita dahil na-delay ang kanyang bagahe papuntang Bohol.
Nakarating na raw kasi siya sa Bohol pero ang mga gamit niya ay nasa Manila pa rin.
“Walang lahat ng bagahe ko! Iniwan ng manila Pero ako nasa BOHOL na! Anu Kaya nangyari PAL (Philippine Airlines)?” singhal ng dismayadong komedyante.
Hassle is real daw ang nangyari para sa Sing Galing co-host lalo pa’t kailangan niyang magbihis ng pantulog. Pero iyon nga, nasa Maynila pa ang kanyang mga damit.
“Ang hirap kumilos ng wala yung mga gamit ko…so naglinis na ko ng katawan syempre magpapalit lahat so buti na Lang May t shirt na nahiram Kasi gabi na Wala na mabilhan,” aniya.
Kung nakahiram siya ng damit pang-itaas ay dumiskarte na lang daw siya kung paano makakapagpalit ng underwear.
“So need ko mag palit ng panty.. so alangan manghiram ako Di ba?” naiinis na sey pa niya.
“Sooooo alam na! Anu kaya ginawa ko? Bahala na kayo.. Bahala na kyo sa bagahe ko! Sira ang itenerary namin!! #PhilippineAirlines,” pagtatapos ni Donita.
As of this writing ay wala pang update si Donita kung nakarating na ba sa Bohol ang kanyang bagahe.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment