Debbie Garcia, nag-file na ng tatlong complaints sa DOJ laban kay Barbie Imperial; Viva Artists Agency full support kay Debbie

Narito ang bahagi ng statement ng Viva Artists Agency hinggil sa pagsuporta nila sa kanilang alaga na si Debbie Garcia sa kinasangkutan nitong “incident of violence,” kung saan ang aktres na si Barbie Imperial ang pinaniniwalaang attacker. “Viva Artists Agency (VAA) does not condone any act of violence. VAA therefore fully supports its artist, Debbie Garcia, in taking legal action against her attacker in an incident of violence last October 28, 2022 (Friday) at a gastropub in Quezon City.” At press time ay nakapagdulog na ng complaints si Debbie laban kay Barbie sa DOJ. Slight physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed ang mga inilatag na reklamo ni Debbie laban kay Barbie.

Photos: @debsgarcia, @barbieimperial, VAA

Kaninang hapon, November 2, nagtungo ang aktres na si Debbie Garcia, kasama ang kanyang mga abogadong sina Atty. Luz Perez,  Atty. Catherine Amen, at Atty. Cherry Lyn Pablo-Santos, sa tanggapan ng Department of Justice sa Quezon City para pormal na sampahan ng complaints ang aktres ding si Barbie Imperial.

May kinalaman ito sa napa-ulat na naganap na verbal ang physical altercation between them noong madaling araw ng October 28 sa Tipsy Pig gastropub sa Timog Quezon City. Nakuhanan ng CCTV ng nasabing bar ang bahagi ng pangyayari at ang kopya nito ay nakarating sa showbiz online site na Fashion Pulis, kung saan may mga lumabas ding larawan na kuha naman sa kanyang pagpapa-blotter sa Kamuning Police Station at mga shots na nagpapakita ng ilang galos at wari’y kalmot sa leeg at dibdib.

Slight physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed ang mga inilatag na reklamo ni Debbie laban kay Barbie.

Ngayong hapon din ay nag-release ng official talent ang kanyang management, ang Viva Artists Agency, na nagpapahayag ng kanilang full support sa kanilang alaga.

“Viva Artists Agency (VAA) does not condone any act of violence,” panimula ng VAA sa kanilang statement.

Narito ang kabuuang statement ng VAA:

“VAA therefore fully supports its artist, Debbie Garcia, in taking legal action against her attacker in an incident of violence last October 28, 2022 (Friday) at a gastropub in Quezon City.  Debbie is set to lodge a complaint against the other person with the assistance of her counsel on November 2, 2022 (Wednesday).”

Naniniwala ang VAA na si Debbie ang nasa receiving end ng mga umano’y magkasabay na verbal at physical attacks.

Nananawagan din sila sa publiko na huwag nang palawigin ang pagkakalat ng video recording ng naganap na insidente at hayaan nalang na maresulba ang kaso sa hukuman.

“VAA believes that Debbie has been at the receiving end of physical and verbal attacks in the said incident. VAA however kindly asks the public to refrain from further circulating copies of the video recording of the said incident on social media and allow the matter to be resolved legally.

For official details, and upcoming announcements, check out Viva Artists Agency on the following social media platforms:

Viva Artists Agency:

https://www.facebook.com/vivaartistsagency

https://www.instagram.com/vivaartistsagency/

https://www.tiktok.com/@vivaartistsagency

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together