Andrea Torres, “sabog ang puso” sa kaligayahan sa mainit na pagtanggap ng netizens sa kanyang pagganap bilang Sisa


Nabasa at natuwa si Andrea Torres sa mga positive feedback sa kanyang performance as Sisa. Kaya nagpasalamat siya sa mga papuring natanggap niya mula sa mga netizens sa Twitter. Tweet ni Andrea: “Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate. Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That’s the best.”

Photos: @andreaetorres and GMA-7

Nabasa at natuwa si Andrea Torres sa mga positive feedback sa kanyang performance as Sisa. Kaya nagpasalamat siya sa mga papuring natanggap niya mula sa mga netizens sa Twitter. Tweet ni Andrea: “Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate. Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That’s the best.”

Umani ng papuri ang Kapuso actress na si Andrea Torres dahil sa pagganap niya bilang si Sisa sa GMA historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa pinalabas na episode noong Martes ng gabi, November 2, na may hashtag na #MCIKumpisal, tuluyan nang nabaliw si Sisa dahil biglang nawala ang kanyang dalawang anak na sina Crispin at Basilio.

Nag-trending ang naturang episode sa Twitter at Number 3, lalo na noong bitawan ni Andrea ang iconic lines ni Sisa mula sa novela na Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. 

“Mahal kayo ng nanay. Anak ko. Crispin! Basilio! Nasaan na kayo? Hindi ko kaya.”

Kinabukasan, dumagsa sa Twitter ang mga papuri ng netizens sa pinakitang husay ni Andrea bilang si Sisa. Kaya nanatiling trending ang hashtag na #MCIKumpisal

Ayon sa Twitter user na si @Binibini_Marik8: “Crispin, Basilio, mga anak ko!” I will never think about Sisa without thinking about @andreaetorres great execution and portrayal. I am beyond amazed on how talented this woman really is. #MCIKumpisal”

Tweet naman ni @imnotkaiii: “This scene left me so speechless and broke me. She really gave justice to Sisa her emotions, pain and her insanity. This show really changed the “Crazy Sisa” that we used to know but introduced us to the loving Sisa who lost her children.”

Post naman ni @GigiBestea: “Andrea effectively conveys Sisa’s suffering and anguish. I cannot fathom the suffering to losing her sanity that it must have brought her. How miserable Sisa and her kids’ lives may have been.”

Nabasa at natuwa si Andrea sa mga positive feedback sa kanyang performance as Sisa. Kaya nagpasalamat siya sa mga papuring natanggap niya mula sa mga netizens sa Twitter.

Tweet ni Andrea: “Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate. Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That’s the best.”

Maria Clara at Ibarra airs on GMA Telebabad on Mondays to Fridays at 8 p.m., and streams on GMANetwork.com, the GMA Network YouTube channel, and app. 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together