Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online


Imbes na makisabay sa galit— dahil kung iisipin ay biktima rin siya — mas pinili na lang daw ng Sparkada heartthrob na si Jeff Moses na humingi ng pasenya sa mga nabiktima ng online poser niya.

PHOTOS: @lemomn on Facebook & @jeffmoses_ on Instagram

Imbes na makisabay sa galit— dahil kung iisipin ay biktima rin siya — mas pinili na lang daw ng Sparkada heartthrob na si Jeff Moses na humingi ng pasenya sa mga nabiktima ng online poser niya.

Mas pinili daw ng showbiz newbie na si Jeff Moses ang humingi ng tawad at magpakumbaba sa mga nabiktima ng kanyang mga online poser. 

Iyan ang ibinahagi niya sa exclusive interview niya with pikapika.ph kamakailan.

Dahil napapanood na siya sa TV at active rin sa social media ay natanong namin ang baguhang aktor kung na-experience na niya ang ma-bash gaya ng ibang artista. 

Kuwento ng promising Kapuso star, hindi naman daw siya bina-bash talaga pero nakaka-receive daw siya ng hate messages before. 

It turned out na mga biktima pala iyon ng mga online poser na gumagamit ng photos niya sa social media.

Hindi naman s’ya totally [bashing]. Inaaway ako sa message request kasi akala nila ako ’yong taong kausap nila. Kasi na-experience ko kasi na ginagamit ’yong pictures ko [sa social media],” pagbabahagi ni Jeff. 

May gumagamit ng pictures ko para manghingi…magpapanggap po na ako tapos hihingi sila ng pera or something sa mga tao. Or a-eye ball-in nila, ganu’n…ewan ko.

At dahil poser nga ang mga ka-transaction, walang napapala ang mga biktima at siya ang pinagbabalingan nila ng galit. 

Inaaway ako. Nababasa ko lang din po. Sobrang nakakahiya nga din po, e,” pagtatapat ng Sparkada heartthrob. 

Pero imbes na makisabay sa galit nila — dahil kung iisipin ay biktima rin siya — mas pinili na lang daw ni Jeff na humingi ng pasenya at i-console ang mga nabiktima. 

S’yempre, ayaw ko din naman po na may masaktan na tao, nire-reply-an ko po na, ‘Sorry po pero hindi ko kilala ’yong nabanggit na pangalan pero ako po ’yong nasa picture,'” lahad ng aktor. 

“Sinasabi ko sa kanila na, ‘Poser po ’yan at ginagamit nila ang pictures ko. Pasensya na po sa nangyari. Wala po akong magagawa kundi [mag-sorry]. Wala po kasi ako idea sa kung anong napag-usapan n’yo ng poser,'” dagdag pa niya. 

Ako po, somehow, nagi-guilty ako. Pero hindi ko naman po kasi kasalanan, e. Hanggang comfort na lang po ako sa mga taong nasaktan ng mga poser ko. 

Ganu’n lang po. Ayoko po kasi na may nasasaktan sa paligid. Gusto ko happy lang.”

At dahil mahilig din si Jeff sa pagpo-post ng mga shirtless photo niya sa Instagram, natanong din namin siya kung hindi pa siya nakakatanggap ng mga indecent proposal dahil sa mga iyon.

Tugon niya, “‘Yong madalas ko kasing makita [sa messages] niyayaya ako to meet up. Parang ganu’n ang message. So far, wala naman po akong natatanggap na ‘Bayaran kita’ or offer-an ako ng something. ’Di ba, ganu’n ’yong indecent proposal?”

Kung sakali man daw na makatanggap ng ganu’n si Jeff ay tiyak na dededmahin niya ang mga iyon. 

Ako naman, bale wala lang po kasi kilala ko din naman po ’yong sarili ko. And I know din naman po na kaya nila nasasabi ’yon kasi humahanga po sila sa akin. Hindi ko po s’ya tini-take as [indecent proposa],” aniya.  

“In short, parang hindi ako nababastos sa ganu’n. Hindi po ako naaapektuhan sa mga sinasabi nila. Wala rin po kasi akong time makipag-away. Naintindihan ko rin naman po sila…ewan kung anong need nila.”

Ganu’n pa man, nagpapasalamat daw siya sa natatanggap niyang pagmamahal at suporta. 

Sobrang thankful ko kasi may mga tao ding nagmamahal sa akin at sumusuporta. Kumbaga, kino-consider ko na lang din sila as my supporter po na hinahangaan ako. Ganu’n lang po,” pagtatapos ni Jeff.

Kasalukuyang napapanood si Jeff, kasama sina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap, Dominic Ochoa, at marami pang iba, sa Abot-Kamay na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

YOU MAY ALSO LIKE:

EXCLUSIVE: Jillian Ward answers Random Questions from Pikapika!

Will Ashley, may hidden meanings nga ba ang mga captions sa mga socmed posts na pasimpleng para kay Jillian Ward?

Dingdong Dantes at Marian Rivera, sina Paul Salas at Jillian Ward ang respective choices na gaganap sa kanila sakaling gawing pelikula ang love story nila

Pika’s Pick: Jillian Ward is a proud owner of a BMW at 16

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together