Rita Daniela, pumalag sa fake news na nagsasabing break na sila ng non-showbiz boyfriend niya bago siya nabuntis nito


Hindi pinalagpas ng soon-to-be mommy na si Rita Daniela ang lumabas na fake news na diumano’y hiwalay na sila ng kanyang businessman boyfriend bago pa s’ya nabuntis nito. “Ako po ay nanahimik lang at sana kayo rin. My pregnancy journey and my personal life has always been private and I chose it that way. So, who are you to spread fake news and make people believe with all these?” banat ng Kapuso singer-actress..

PHOTOS: RitaDanielaOfficial on Facebook

Hindi pinalagpas ng soon-to-be mommy na si Rita Daniela ang lumabas na fake news na diumano’y hiwalay na sila ng kanyang businessman boyfriend bago pa s’ya nabuntis nito. “Ako po ay nanahimik lang at sana kayo rin. My pregnancy journey and my personal life has always been private and I chose it that way. So, who are you to spread fake news and make people believe with all these?” banat ng Kapuso singer-actress..

Hindi pinalagpas ng soon-to-be mommy na si Rita Daniela ang lumabas na fake news tungkol sa kanya and her non-showbiz boyfriend. 

Sa kanyang Facebook posts kahapon, September 11, pinasinungalingan ng Kapuso singer-actress ang balitang diumano’y hiwalay na sila ng kanyang businessman boyfriend bago pa s’ya nabuntis nito. 

Tila ba pinapalabas ng nasabing fake news na nabuo ang ipinagbubuntis ngayon ng aktres dahil sa tinatawag na breakup sex. 

Ito ang in-address ni Rita sa kanyang magkasunod na Facebook post. 

“FYI, I have never been interviewed by anyone else than Kuya Nelson Canlas of GMA News/Showbiz Report about my pregnancy and personal life,” pagtutuwid ni Rita. 

Nanawagan din s’ya sa publiko na huwag suportahan ang FB fan page sa pagpapakalat ng maling balita para magparami ng likes at comments sa kanilang social media account. 

“Please don’t ever believe this nonsense and I hope that you don’t support this page and the people behind this page because it is clearly spreading fake news just to get likes and comments,” panawagan n’ya. 

Ipinauunawa rin n’ya sa lahat na bagama’t nasa showbiz s’ya, mas pinili umano n’ya na isapribado ang kanyang pagbubuntis at personal na buhay.

“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way. Wala po akong ginagawang masama sa inyo, Kapuso Celebrity. Ako ay nanahimik lamang at sana kayo rin,” saad pa n’ya. 

Binanatan din ng All-Out Sundays (AOS) regular performer ang news website na nag-publish ng balita nang matunton n’ya ito. 

“So, this is the source. This page proudly edited a picture of me with their headline. Proud sila sa fake news. Don’t support this page for they are spreading fake news,” muling panawagan ni Rita. 

Hindi pa iyon natapos doon dahil kinuwestiyon ng aktres ang mga nasa likod ang pekeng balita sa comment section kung saan ba nila napulot ang kanilang impormasyon. Wala naman daw kasing nag-interview sa kanya maliban kay Nelson Canlas na nabanggit n’ya sa nauna n’yang post.

“With all due respect, where did you get all this information? Because as far as I can remember, I was never interviewed by you and your team,” kastigo ni Rita. 

“Ako po ay nanahimik lang at sana kayo rin. My pregnancy journey and my personal life has always been private and I chose it that way. So, who are you to spread fake news and make people believe with all these?”

Muli rin s’yang pagpaunawa na hindi lahat nang nakikita ng publiko sa social media ay totoo. 

“But the damage has done. Nakapag komento na ang mga tao at naniniwala na sila dito. Nakapag judge narin sila. Netizens, not all you see online and on social media are facts — including this page,” pagtatapos n’ya. 

SCREENSHOT: @psngayondigital on Facebook

YOU  MAY ALSO LIKE:

Jeremiah Tiangco, umaming crush n’ya si Rita Daniela: “Sobrang malapit [siya] sa puso ko.”

Ken Chan, “inendorso” ang dating ka-loveteam na si Rita Daniela kay Rob Gomez

Ken Chan, suportado ang dating ka-love team na si Rita Daniela sa pagbubuntis nito

Pika’s Pick: Rita Daniela flexes baby bump!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency