Herlene Budol, sasabak sa Miss Planet International 2022 sa Uganda


Kahit na nabigo si Herlene Budol na masungkit ang inaasam na Bb. Pilipinas Grand International para makapag-compete sa pandaigdigang patimpalak, may iba palang title ang nakalaan sa kanya dahil s’ya na ang kakatawan sa Pilipinas sa upcoming Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda sa East Africa.         Ang manager n’ya na si Wilbert Tolentino mismo ang nag-announce ng balitang ito sa 23rd birthday celebration ni Herlene kamakailan.

PHOTOS: @ herlene_budol on Instagram

Kahit na nabigo si Herlene Budol na masungkit ang inaasam na Bb. Pilipinas Grand International para makapag-compete sa pandaigdigang patimpalak, may iba palang title ang nakalaan sa kanya dahil s’ya na ang kakatawan sa Pilipinas sa upcoming Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda sa East Africa.         Ang manager n’ya na si Wilbert Tolentino mismo ang nag-announce ng balitang ito sa 23rd birthday celebration ni Herlene kamakailan.

Hindi pa tapos ang pageant journey ng comedienne-actress, TV host, and beauty queen na si Herlene Budol dahil muli s’yang sasabak sa isang beauty contest.

Matapos kasi s’yang tanghalin bilang Bb. Pilipinas 2022 First Runner-up nitong July 31 ay heto’t muli s’yang lalaban, this time, sa isang international beauty pageant naman. 

Kahit na nabigo si Herlene na masungkit ang inaasam na Bb. Pilipinas Grand International para makapag-compete sa pandaigdigang patimpalak, may iba palang title ang nakalaan sa kanya dahil s’ya na ang kakatawan sa Pilipinas sa upcoming Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda sa East Africa. 

Ang manager n’ya na si Wilbert Tolentino mismo ang nag-announce ng balitang ito sa 23rd birthday celebration ni Herlene kamakailan. Ito ang naging laman ng vlog ni Wilbert na in-upload sa kanyang YouTube channel nitong weekend. 

Ang tanging regalo ko sa’yo ay ito. May good news ako sa’yo,” pahayag talent manager and entrepreneur sa microphone at ipinabasa kay Herlene ang laman ng kanyang cellphone. 

“Actually, isa itong madadagdag na achievement po n’ya and I hope sana buong family ng Budol, ng team ko, sana nandyan pa rin kayo. Wag n’yong bitawan, at suportahan si Herlene tulad ng ginagawa ko,” pag-a-address n’ya sa mga um-attend sa party.

Si Wilbert na pala kasi ang national director ng Miss Planet International dito sa bansa at si Herlene na umano ang napili n’ya para maging kinatawan ng Pilipinas para sa nasabing kompetisyon. 

“Ito ay certificate na sa akin na ang [franchise ng] Miss Planet International. Nakalagay dito, ‘Wilbert Tolentino has the exclusive rights to choose a candidate to represent the Philippines in Miss Planet International 2022.’ At si Herlene ang ipapadala natin,” anunsyo n’ya.

S’yempre, hihingi daw sila ng pahintulot mula sa pamunuan ng Bb. Pilipinas para makapag-compete si Herlene abroad. 

Magsusulat tayo sa Binibining Pilipinas. Hihingi tayo ng basbas. Sana nadiyan tayo at suportahan pa rin natin si Herlene all throughout,” panawagan n’ya.

Dagdag pa ni Wilbert, walang dapat ipag-alala si Herlene pagdating sa Question-and-Answer portion.

Tagalog…gamitin natin ang Tagalog, ang sariling wika. Magpapadala tayo interpreter,” saad n’ya.

Sana itong regalo ko, wish ko sa’yo sana manalo ka para mas lalo ka pang aangat,” mensahe pa n’ya sa kanyang alaga.

Tugon naman dito ng tinaguriang Hipon Girl, “Sabi ko walang iiyak kasi gusto ko maging masaya na talaga. Gusto ko wala ng luhang papatak sa mga mata ko…kundi ’yong maipanalo ko ’yong pangarap namin ni Sir Wilbert kapag nauwi namin ’yong korona galing sa ibang bansa.

At kahapon nga, August 28, opisyal nang inanunsyo ng Miss Planet International sa kanilang Facebook page na si Herlene ang magiging kalahok mula sa Pilipinas. 

“We are glad to announce that Herlene Hipon Budol first runner-up of Binibining Pilipinas 2022 will represent The Philippines at the Miss Planet International 2022 pageant to be held on November 19th in Kampala, Uganda ‘The Pearl of Africa,’” pahayag ng Miss Planet International kalakip ang photo ng Kapuso comedienne. 

Congratulations and bring home the crown, Herlene.

YOU MAY ALSO LIKE:

Herlene “Hipon Girl” Budol, devastated sa pagpanaw ng kanyang lola

Pika’s Pick: Beauty-queen aspirant Herlene Budol thanks Queen Pia Wurtzbach for the motivation

Herlene Budol, target maging first ever Pinay Miss Grand International; kinilig nang ma-meet si MGI president Nawat Itsaragrisil

Kylie Verzosa, mataas ang kumpiyansa kay Herlene Budol

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency