Gladys Guevarra, nakapagpundar na ng sariling bahay sa Amerika


Matatandaang ikinasal si Gladys sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Guardian, who also goes by the name Mike Navarette, sa US noong May last year, dahilan kung bakit sa Amerika na siya namamalagi.

PHOTOS: @igladyschuchayguevarra on Instagram

Matatandaang ikinasal si Gladys sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Guardian, who also goes by the name Mike Navarette, sa US noong May last year, dahilan kung bakit sa Amerika na siya namamalagi.

Proud na ipinasilip ng comedienne-singer na si Gladys Guevarra ang katas ng kanyang pasisikap dahil ngayon ay nakapagpundar na s’ya ng sarili n’yang bahay sa Amerika, kung saan siya naka-base na ngayon. 

Ayon kay Gladys, matagal na niya actually’ng napundar ito at ngayon lamang niya nai-share. Hindi pa raw siya nag-aasawa nang simulan niyang pagpundaran ito.

At sa kanyang Instagram post ngayong araw, August 30, nagpasalamat ang komedyana sa lahat ng tumulong sa kanya para matupad ang pangarap n’yang magkaroon ng sariling bahay sa Las Vegas, Nevada.

“Day 1 . . . Finally a home [I] can call my own. Ang hirap, pero thank you Lord,” pahayag ni Gladys sa kanyang IG post kalakip ang series of photos kung saan makikita ang façade, staircase, at interior ng kanyang bahay. 

Inisa-isa rin ni Chuchay, nickname ni Gladys, ang mga taong nag-assist sa kanya para bagong achievement na ito. 

“Sa mga tumulong sa akin, ayaw nyo pabanggit pero salamat. Mik, Gui Panginoon na bahala magbalik sa inyo. Salamat ng maraming marami sa tiwala. Kay General Piapie lumabo mata ko sa papers,” pagbibiro pa n’ya. 

“Sayo din brader Min, super dooper thank you. Mark, hulog ka ng langit, lam mo yan thank you bro talaga. Unang araw today, ilang araw lang, maaayos ko na to. Gen, Ok na bank natin hehe!”

At mukhang bumubuwelo lang si Chuchay dahil once na maayos na n’ya ang lahat ay tila agad niyang isusunod ang sasakyan. 

“Tapos [car emoji] beep beep! . . . To God Be All The Glory. Day 2, let’s go!!!! . .  . #keepmovingChuchay #daminagmamahal . . . Grabe kayo,” pagtatapos n’ya. 

Ani Chuchay, plano nilang mag-aawang paupahan na lang muna ito dahil may bahay naman na sila.

Ikinatuwa naman ang balitang ito ni Chuchay ng kanyang fans and celebrity friends gaya nina Barbie Forteza, Diana Zubiri, Donita Nose, and Julie Anne San Jose

SCREENSHOT: @igladyschuchayguevarra on Instagram 

Matatandaang ikinasal si Gladys sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Guardian, who also goes by the name Mike Navarette, sa US noong May last year, dahilan kung bakit sa Amerika na siya namamalagi.

Congratulations, Chuchay!

YOU MAY ALSO LIKE:

Gladys Guevarra, hiwalay na sa fiancé; tinakbuhan pa raw ng pera

Ex-fiancé ni Gladys Guevarra, kinontra ang mga sinabi ng dating nobya; dagdag niya: “…alam kong mabuti s’yang tao, mahirap lang s’ya mahalin.”

Gladys Guevarra, kinausap ang sarili after ng devastating break up: “… kahit saan tayo umabot, walang ibang magmamahal sa’yo ng tunay na tunay kundi ako din.”

Gladys Guevarra, dismayado kay Sharon Cuneta

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency