Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?


Pagbabalik-tanaw ni Gab Lagman, sa Instagram pa lang daw noon ay type na n’ya ang “mala-Latina” beauty ni Sanya. May ibang hatak kasi kay Gab ang mga Latina beauties. Nagkita lang daw sila nang personal nang pareho silang um-attend sa isang event. “Actually nag-meet kami sa ball, sa MEGA Ball,” lahad n’ya. “Si David, David Licauco. Sabi ko, ‘Bro, ipakilala mo naman ako.’”

PHOTOS: @gablagman & @sanyalopez on Instagram

Pagbabalik-tanaw ni Gab Lagman, sa Instagram pa lang daw noon ay type na n’ya ang “mala-Latina” beauty ni Sanya. May ibang hatak kasi kay Gab ang mga Latina beauties. Nagkita lang daw sila nang personal nang pareho silang um-attend sa isang event. “Actually nag-meet kami sa ball, sa MEGA Ball,” lahad n’ya. “Si David, David Licauco. Sabi ko, ‘Bro, ipakilala mo naman ako.’”

Napa-throwback nang slight ang Viva actor na si Gab Lagman sa naudlot na panliligaw n’ya noon kay Sanya Lopez.

Natanong kasi ang aktor tungkol sa kanyang present love life sa exclusive interview n’ya with pikapika.ph kamakailan. At dahil loveless umano siya kaya ang naunsyaming love story nila ng Kapuso actress na si Sanya nalang ang napag-usapan.

Pagbabaliktanaw ni Gab, sa Instagram pa lang daw noon ay type na n’ya ang “mala-Latina” beauty ni Sanya. May ibang hatak kasi kay Gab ang mga Latina beauties. Nagkita lang daw sila nang personal nang pareho silang um-attend ng isang event. 

“Actually nag-meet kami sa ball, sa MEGA Ball,” lahad n’ya. “Si David, David Licauco. Sabi ko, ‘Bro, ipakilala mo naman ako.’”

Doon na daw sila talaga nagkakilala at nasundan pa ang pagkikitang iyon nang sabay silang nag-jog sa UP Diliman campus. 

’Yon ’yong first meet up namin sa UP, tumakbo kami,” pagre-recall n’ya. 

However, kahit pa meron na silang mutual understanding ay hindi sila nauwi sa pagiging magkasintahan. Kaya naman natanong namin si Gab kung ano ba ang nangyari. 

“Actually, me and Sanya, we were really, really good friends. Hindi lang nag-work dahil sobrang busy kami sa trabaho and parang bihira na lang kami magkita siguro,” sagot ng Viva hunk.

Hindi ko masabi, e. Parang sobrang bihira na lang tapos umuwi pa ako ng States nu’n. Pero masasabi ko na hindi nag-work ’yon dahil mas pinili namin muna na mag-focus sa career.”

Sa tingin n’ya ay tama naman daw ang naging pasya nila mas piliin ang kani-kanilang career that time. Maganda rin naman kasi ang kinalabasan ng desisyon nilang iyon. 

Sa ngayon nga ay katatapos lang ng top-rated teleseryes ni Sanya na First Yaya and First Lady, habang si Gab naman ay patuloy na binu-build up as leading man ng Viva. In fact, kasalukuyan nang streaming sa Vivamax ang pelikula niyang Bula alongside Ayanna Misola.

Sobrang naging okey din naman kasi kami. It just didn’t really work out because, ’yon nga…s’yempre, we just focused on our career. And luckily, tingnan mo kung nasaan na s’ya ngayon…one of the [big] stars of GMA and she really deserves that,” paliwanag ni Gab.

Masaya daw s’ya for Sanya sa tinatamasa nitong success sa showbiz.

“I’m happy and super proud for her na parang s’ya ’yong favorite ngayon ng GMA. And she deserves it, she deserves it. Magaling naman talaga s’ya, e,” aniya.

Natanong tuloy namin s’ya kung may chance ba na madugtungan kung ano man ang nasimulan nila before. Tutal, kapwa naman silang single sa ngayon. 

Also, maganda rin ang kombinasyon nila, if ever, na isang morenang Pinay at isang tisoy na hunk. 

Bukod pa doon, puro nice words din naman ang mga sinasabi ni Sanya tungkol sa kanya kahit hindi nag-work out ang ligawan nila. Sweet daw at talagang umaakyat dan ng ligaw si Gab.

Nakikita ko sa kanya, sobrang bait n’ya na tao and sobrang na-appreciate ko ’yon. Um-effort naman talaga ako [sa panliligaw],” natatawang balik-tanaw ni Gab,

Hindi natin masabi. Hehehe,” natatawa pa ring pagpapatuloy n’ya. “Hopefully…but I haven’t talked to her for years now… Maayos naman [ang naging paalamanan] pero we just haven’t kept in touch for years na. Ano na, three or magpo-four years na ata.

Game naman kaya si Gab na maka-work si Sanya sa isang movie o teleserye kung sakali? 

Puwede, puwede,” sagot n’ya.

YOU MAY ALSO LIKE:

Sen. Bong Revilla, superstar na ang tawag kay Sanya Lopez; future action queen naman daw ang bagong leading lady niya na si Rabiya Mateo

Dance to and be empowered by Sanya Lopez’s new single “Hot Maria Clara”

WATCH: Cheesy Pick-up Lines with Gab Lagman

“Bida-bida” birthday greetings ni Jak Roberto para sa kapatid na si Sanya Lopez, patok sa netizens

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together