Cristy Fermin, sinaway ang mga bumabatikos kay Bianca Umali sa pagsanib nito sa Iglesia ni Cristo
-feature.jpg?v=1662717647)
PHOTOS: @akosilolitsolis & @bianxa on Instagram
Ani Cristy Fermin, may kalayaan at karapatan si Bianca Umali na umanib sa kahit anong relihiyon na gusto n’ya. “‘Yon naman pong pagpapalit ng relihiyon ni Bianca, ito po ay sarili n’yang bolisyon. Hindi naman po s’ya dito kinaladkad o pinilit o pinressure ni Ruru para sumapi s’ya sa INC. Sarili na po n’yang desisyon ito.”
Pinagsabihan ng veteran showbiz writer and host na si Cristy Fermin ang mga tumutuligsa ngayon kay Kapuso actress Bianca Umali sa pagpapalit nito ng relihiyon.
Nangyari ito sa radio and online show n’ya with Romel Chika na Cristy Ferminute ngayong araw, September 9.
Napag-usapan kasi ang pagpapa-convert ni Bianca sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa interview ni Toni Gonzaga kay Ruru Madrid sa online show nitong Toni Talks last September 3 on YouTube.
Devoted INC-member kasi ang rumored boyfriend nitong si Ruru at committed ito na ang magiging partner in life n’ya ay dapat member din ng INC.
Ito ang ipinagpapalagay ng iba na s’yang dahilan kung bakit inaral ni Bianca ang relihiyong kinabibilangan ng aktor and later on ay tuluyan na itong nagpa-convert.
Umani ng iba’t ibang reaksyon ang balitang ito. May ilang masaya sa naging pasya ng aktres pero meron ding mga nagtaas ng kilay sa kanyang ginawa na s’yang binigyang pansin ni Manay Cristy sa kanyang show.
“Ang inuupakan naman ngayon ng mga bashers si Bianca Umali dahil sa kanyang pagpapalit ng relihiyon,” panimulang bitaw ni Ctisty sa balita.
“Dito natin nakikita na kahit hindi nagsasalita itong sina Ruru Madrid at saka si Bianca, talagang mata rin sila ng bagyo ngayon palibhasa sikat, ’di ba? Pinag-uusapan.”
At dahil may mga negatibong reaksyon ang ilang netizens ukol dito, to the rescue ang showbiz insider sa dalagang aktres.
“Ang dami-daming pagpuna. Sabi ng mga bashers nila, kay Bianca ang patama, ‘Kawawa naman itong babaeng ito. Kinagisnang relihiyon isinuko pa para lang kay Ruru. Naku, talong-talo ito kapag naghiwalay sila,’” pagbahahagi n’ya sa nakalap n’yang komento kay Bianca.
Imbes daw na isipin na maghihiwalay ang dalawa, bakit hindi na lang daw ipagdasal na sana ay mas tumatag pa ang pagtitingnan nila.
“Bakit po ’yong paghihiwalay agad ang ating iintindihin? Dapat idasal natin na tumagal pa sila at maging maayos ang kanilang relasyon,” payo ni Manay Cristy sa mga bashers.
Bukod pa rito, ipinunto n’yang may kalayaan at karapatan si Bianca na umanib sa kahit anong relihiyon na gusto n’ya.
“Saka ’yon naman pong pagpapalit ng relihiyon ni Bianca, ito po ay sarili n’yang bolisyon. Hindi naman po s’ya dito kinaladkad o pinilit o pinressure ni Ruru para sumapi s’ya sa INC. Sarili na po n’yang desisyon ito,” aniya.
“Saka bakit ganu’n? Bakit kailangang sukatin natin ang isang pagmamahalan sa pamamagitan ng pagsusuko ng relihiyon?” tanong pa n’ya.
“Hintayin po natin na lumaganap pa ang kanilang pagmamahalan. Wag po nating husgahan agad si Bianca. Sarili n’ya pong desisyon ang pagsapi sa INC. Hindi po s’ya pinilit,” pagtatapos ni Manay Cristy.
YOU MAY ALSO LIKE:
Bianca Umali, pinaiyak si Ruru Madrid sa South Korea
Apat na taong “dating” relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali, wala raw label
Abugado ni Cristy Fermin, hinihingan din ng public apology ang abugado ni Dawn Chang
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment