Bella Racelis, noong 2019 pa gustong “jowain” si Joshua Garcia
-feature.jpg?v=1662614151)
PHOTOS: @thatsbellayt & @garciajoshuae; INSET: ThatsBella on YouTube
Magpahanggang ngayong ay wala pang direktang pag-amin mula kina Joshua at Bella kung ano ang real score sa kanilang dalawa, kung nanliligaw pa lang ba ang aktor, may mutual understanding na o dating, o kung officially mag-on na ba sila.
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang umano’y relasyon ni Joshua Garcia at ng sikat na vlogger na si Bella Racelis.
Nag-post kasi ang Kapamilya actor sa kanyang photography account sa Instagram last September 6 ng short video na naglalaman ng compiled snaps ni Bella. Iyon nga lang, disabled ang comment section sa IG post na ito.
Ganu’n pa man, maraming fans ang kinilig at ipinagpalagay na pag-amin ito ng dalawa sa kanilang relasyon in a very low-key way.
Sa panahon kasi ngayon, Instagram ang nagiging avenue ng mga magkasintahan, lalo na sa mga celebrities, para aminin sa publiko ang kanilang relasyon, o kaya naman kung may tampuhan, away o nauwi na sila sa paghihiwalay.
Anyway, napag-alaman namin na three years ago pa pala gustong “d’yowain” ng vlogger na si Bella si Joshua.
Sumabak kasi sila ng kanyang Ate Talliah sa nausong “Jojowain o Totropahin Challenge” na naging content n’ya sa kanyang vlog entry last August 2019.
Nabanggit kasi ang pangalan ng Kapamilya heartthrob ng ate ni Bella at papasa daw ito bilang d’yowa para dito.
“Ako din, d’yo-d’yowain ko kasi d’yowable s’ya,” pag-amin ni Bella sa kanyang vlog.
Nagbigay pa s’ya ng mga magagandang katangian ni Joshua kaya gusto n’ya umano ito maging boyfriend kung sakali.
“Kita mo naman ’yong mga galawan n’ya. Mahilig s’ya mag-surprise. Basta…super sweet and mabait,” lahad pa n’ya. “Parang boy next door ’yong vibe n’ya.”
However, as of this writing, wala pang direktang pag-amin mula kina Joshua at Bella kung ano ang real score sa kanilang dalawa, kung nanliligaw pa lang ba ang aktor, may mutual understanding na o dating, o kung officially mag-on na ba sila.
Matatandaang kinakiligan din ng netizens sina Joshua at Fil-Am TikTok superstar and singer na si Bela Poarch matapos umanin ng huli na nag-uusap na sila ng aktor noon pa man at crush n’ya ito.
Pero ’yon nga, tila ibang Bella ang nanalo sa puso ni Joshua.
YOU MAY ALSO LIKE:
Joshua Garcia, “jojowain” daw si Ivana Alawi; sinabihan pang: “Pagaling ka.
Joshua Garcia, leading man o nemesis ni Darna?
Pagta-topless ni Joshua Garcia sa Darna, hindi lang isang beses
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment