Yassi Pressman, sinayawan lang ang headline na pumuna sa umano’y pagtaba niya: “Women (and men) can be whatever size they wanna be.”

Dance video ang naging tugon ng actress-dancer and TV host na si Yassi Pressman sa headline ng isang online tabloid na nagsabing “lumubo ang tiyan, lumapad ang balakang” niya.

Tumawag ng kanyang pansin ang nakasaad doon na tumaba umano siya at tila hiyang sa pag-ibig kaya’t hindi na nito alintana ang pigura. 

Sa ipinost n’yang Instagram video nitong August 13, makikitang enjoy sa pag-indak sa Yassi sa saliw ng “Cozy” ng Hollywood singer na si Beyonce habang nasa background n’ya ang nasabing article. 

Sa saliw ng kanta with lyrics na: “comfortable in my skin, cozy with who I am” ay tila sadyang ibinalandra pa niya ang pinupunang balakang niya.

“Here’s a vid of me in the middle of a workout, when I saw this. [W]ith no makeup and my messy hair cause idc. [G]url, just do you booboo. Don’t let anyone tell you otherwise,” pahayag n’ya sa inilagay n’yang caption. 

Ginamit din ng 27-year-old actress ang pagkakataong ito para isiningit sa usapan ang business n’ya na nagbibigay ng trabaho at opportunities sa ating mga kababayan.

“How about let’s read the first article that used this photo that talks about the platform that we built to provide more opportunities for the Filipinos? >>> @playerseliteguild and all thats coming,” saad n’ya. 

At imbes na maimbyerna, kinonsider pa ni Yassi na compliment ang balitang tumaba umano s’ya. 

“More than my tummy getting bigger & my hips getting wider. Cause women (and men) can be whatever size they wanna be. But thanks for the compliment,” pagtatapos n’ya.

Kilala si Yassi, hindi lang sa mga TV shows at pelikula na nagawa n’ya, kundi isa rin sa mga nagsusulong ng adbokasiya ukol sa body positivity sa bansa.

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Yassi Pressman gets treated to a Pinoy lunch at Sen. Manny Pacquiao’s LA home

Yassi Pressman, excited nang tumira sa bagong bahay niya

Yassi Pressman, seryoso sa pagiging negosyante

Level Up na saya at suwerte ang hatid ng Rolling In It PH Season 2

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency