Herlene Budol, rumampa sa senado; ilang senador, na-starstruck


Kasunod ng kanyang pagkapanalo bilang sa Bb. Pilipinas 2022 1st Runner Up sa Araneta Coliseum, sa senado naman muling rumampa si Herlene Nicole Budol. “Ako po ay natutuwang maimbitahan bilang panauhin sa Plenary Hall ng Senado, dahil din po kay Sen. Raffy Tulfo. Isang karangalan ang magkaroon ng courtesy call mula sa Senado,” saad niya.

PHOTOS: @HerleneHiponBudolOfficial on Facebook

Kasunod ng kanyang pagkapanalo bilang sa Bb. Pilipinas 2022 1st Runner Up sa Araneta Coliseum, sa senado naman muling rumampa si Herlene Nicole Budol. “Ako po ay natutuwang maimbitahan bilang panauhin sa Plenary Hall ng Senado, dahil din po kay Sen. Raffy Tulfo. Isang karangalan ang magkaroon ng courtesy call mula sa Senado,” saad niya.

Nagkaroon ng pagkakataon na makabisita sa House of Senate si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Nicole Budol, o mas kilala sa bansag na “Hipon Girl.”

Rumampa kahapon, August 9, sa senado si Herlene para mag-courtesy call. Ang kanyang pagdalaw doon ay sa imbitasyon ng newly-elected senator na si Raffy Tulfo.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ng comedienne-TV host na isang karangalan para sa kanya na maimbitahan doon.

“Ako po ay natutuwang maimbitahan bilang panauhin sa Plenary Hall ng Senado, dahil din po kay Sen. Raffy Tulfo. Isang karangalan ang magkaroon ng courtesy call mula sa Senado,” pahayag ng Kapuso actress. 

Na-starstruck naman sa kanya ang ilang senador, sa pangunguna ni Sen. Raffy na s’yang nag-imbita sa kanya. 

Para sa senador, magandang ehemplo daw ang dalaga sa mga kabataan dahil sa kuwento ng kanyang buhay at sa naabot n’ya ngayon sa showbiz and pageantry. 

“Si Herlene ay nagsisilbing inspirasyon at magandang halimbawa para magpatuloy sa pagsusumikap at pag-abot ng mga pangarap. Congratulations! Saludo kami sa’yo, Herlene! #SenatorIdolRaffyTulfo #KakampiMoSaSenado,” saad ni Sen. Raffy sa kanyang FB post.

In Photos: Binisita ni Binibining Pilipinas first runner-up Herlene Hipon Budol si Senator Idol Raffy Tulfo kaninang…

Posted by Raffy Tulfo on Tuesday, August 9, 2022

Hindi rin pinalagpas ni Sen. Pia Cayetano ang makapagpa-picture kay Herlene.

Nakuhanan din s’ya ng litrato kasama sina Sen. Bato dela Rosa, Sen. Bong Go, at actor-turned-senator na si Robin Padilla.

Ang layo na ng narating ng beauty mo, Herlene!

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Herlene “Hipon Girl” Budol officially registers for the Binibining Pilipinas; hopes she passes the screening

Maine Mendoza meets Hipon Girl Herlene Budol; says “sobrang kwela siya talaga, nakakaaliw!”

Herlene “Hipon Girl” Budol, devastated sa pagpanaw ng kanyang lola

Pika’s Pick: Beauty-queen aspirant Herlene Budol thanks Queen Pia Wurtzbach for the motivation

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency