Ashley Ortega on her new leading man Xian Lim: “Super sweet and super humble… Wala ’yong feeling star.”


Ang Frozen Love ang magiging ikalawang project ni Xian sa GMA Network kasunod ng successful team up nila ni Glaiza de Castro sa False Positive. Sa ngayon ay naka-hold pa rin ang nasimulan nilang project ni Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat. dahil sa naging unexpected pregnancy ng aktres.

PHOTOS: @ashleyortega & @xianlimm on Instagram

Ang Frozen Love ang magiging ikalawang project ni Xian sa GMA Network kasunod ng successful team up nila ni Glaiza de Castro sa False Positive. Sa ngayon ay naka-hold pa rin ang nasimulan nilang project ni Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat. dahil sa naging unexpected pregnancy ng aktres.

Napuri ng aktres na si Ashley Ortega ang bago n’yang leading man na si Xian Lim matapos silang magkakilala nito lang July 30 sa GMA Thanksgiving Gala.

Sa interview n’ya with Cata Tibayan na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, August 10, inilahad ng aktres ang magagandang katangian ni Xian ngayong nakilala  na n’ya ito. Sabay kasi silang nagti-training para sa pagbibidahanan nilang teleserye na Frozen Love

“Super sweet and super humble. I mean, wala ’yong feeling star. Even though he’s a star na, na Xian Lim, parang hindi ko naramdaman sa kanya ’yong intimidation. He’s very friendly,” paglalarawan ni Ashley sa aktor. 

Samantala, wala namang mapaglagyan ng tuwa ang aktres ngayong nabigyan s’ya ng TV project na may kinalaman sa figure skating na favorite hobby daw n’ya. 

“When I found out na magkakaroon ako ng project halos maiyak-iyak ako nu’n. Because aside from getting a huge break from GMA, it’s about figure skating pa which is a dream role of mine ever since I started in showbiz,” masayang pag-amin ni Ashley. 

“I remember before people would always ask me, ‘What’s your dream role?’ Sinasabi ko [basta related sa] figure skating. And I never expected in a million years na matutuloy s’ya,” dagdag pa ng Kapuso actress. 

Si Xian naman, for his part, ay may background na sa paglalaro ng ice hockey pero natsa-challenge pa rin daw siya sa figure skating. Pursigido umano s’ya sa kanilang training para magampanan nang maayos ang kanyang character. 

“It’s a whole new playing field,” saad din niya kay Cata Tibayan. “I don’t want to let people down. This thing is like riding a bike, in a way. ’Yon nga, para ring pagsakay ng motor. You really need to spend hours, walang shortcut. I just want to be the hardest working person in the room,” pahayag ng aktor. 

Excited na rin s’ya sa kanilang magiging taping para daw mapanood na ng mga fans ang kakaibang kuwento ng teleserye nila ni Ashley.

“The story is a love story but, I think, what makes it different and what makes it unique sa mga Kapuso viewers natin is it’s gonna be on ice,” pagtatapos ni Xian.

Ang Frozen Love ang magiging ikalawang project ni Xian sa GMA Network kasunod ng successful team up nila ni Glaiza de Castro sa False Positive. Sa ngayon ay naka-hold pa rin ang nasimulan nilang project ni Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat. dahil sa naging unexpected pregnancy ng aktres.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Xian Lim at Glaiza de Castro, parehong hindi pa ready na magkaroon ng mini me

Glaiza de Castro, snub ang impression kay Xian Lim; Xian, intimidating naman ang tingin kay Glaiza

A gender-switch story like no other: Xian Lim and Glaiza De Castro showcase comedy, romance, and reversal of roles in False Positive

Xian Lim, pinasinungalingan ang haka-hakang kasal na sila ni Kim Chiu

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency