Sunshine Guimary, na-trauma sa lakas ng lindol sa La Union; isiniksik ang sarili sa TV shelf para makapag-cover

PHOTO: @sunshine_guimary on Instagram
Kasalukuyang nagbabakasyon sa La Union si Sunshine Guimary nang tumama ang magnitude 7.1 magnitude na lindol doon na ang epicenter ay nasa kalapit lang na probinsya ng Abra.
May unforgettable experience ang sexy actress and vlogger na si Sunshine Guimary sa lindol na yumanig sa Northen Luzon ngayong umaga ng July 27.
Kasalukuyang nagbabakasyon sa La Union ang aktres nang tumama ang magnitude 7.1 magnitude na lindol doon na ang epicenter ay nasa kalapit lang na probinsya ng Abra.
Kuwento n’ya sa kanyang Instagram post today, isiniksik n’ya umano ang kanyang sarili sa TV shelf para makapag-cover.
“A Traumatic earthquake I’ve ever experience, I insert my self under the tv shelves., Those moment getting out is not an option coz my dog is missing (sis),” lahad ni Sunshine.
Ipininagkibit-balikat lang n’ya umano ang lindol noong umpisa. Hindi n’ya inasahan na sa isang iglap ay iduduyan pala sila nito nang todo.
“First shake didn’t bother me sanay n ako, But in just a matter of second just a blink of an eye everythings change 7.1 magnitude strike!” aniya.
Naiyak na lang daw s’ya sa takot at nang hindi n’ya mahanap ang kanyang aso. Later she found out na gaya n’ya ay nagkubli rin pala ito.
“My heart explode, rattle, my nerves is shaking crying looking for dog, sumiksik pala sa sa table lamp, #smartdog,” she wrote.
“Where here in La Union the epicenter of 7.1 magnitude hit. I stay along the beach (sic),” pagtatapos n’ya.
Stay safe, Shine.
YOU MAY ALSO LIKE:
Sunshine “KAKA” Guimary answers pikapika’s Random NAUGHTY Questions
Sunshine “Kaka” Guimary, nakikita ang sarili sa idolong si Rosanna Roces
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment