Ruffa Gutierrez, may patama sa taong “may pinag aralan nga, asal kanto naman”; Cong. Rowena Guanzon, may inungkat namang isyu


Bagama’t kapwa sila walang binabanggit na pangalan sa kanilang mga patama sa isa’t isa sa social media, malinaw naman sa netizens kung sino ang pinupukol nila Ruffa Gutierrez at Cong. Rowena Guanzon sa mga panibago nilang social media postings.

PHOTOS: @iloveruffag & @attyrowenaguanzon on Facebook

Bagama’t kapwa sila walang binabanggit na pangalan sa kanilang mga patama sa isa’t isa sa social media, malinaw naman sa netizens kung sino ang pinupukol nila Ruffa Gutierrez at Cong. Rowena Guanzon sa mga panibago nilang social media postings.

Patuloy ang online feud sa pagitan ng aktres na si Ruffa Gutierrez at ni dating COMELEC commissioner and now Congresswoman na si Atty. Rowena Guanzon.

Bagama’t kapwa sila walang binabanggit na pangalan sa kanilang mga patama sa isa’t isa sa social media, malinaw naman sa netizens kung sino ang pinupukol nila.

Nitong lang July 11 ay nag-tweet si Ruffa tungkol sa kayang obserbasyon na hindi raw lahat nang nakakapag-aral sa mga prestigious schools ay may magagandang asal. 

“Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag aralan nga, asal kanto naman. Gosh… #RuffasThoughts,” pahayag ng actress-beauty queen sa Twitter.

Tila tirada n’ya ito kay Guanzon na unang naglabas ng blind item about her sa umano’y pagsisisante n’ya ng dalawang kasambahay nang walang ‘sweldo. Pinasinungalingan na rin ni Ruffa ang isyung ito. 

Gumanti naman ang kongresista at ginaya ang format ng tweet ng aktres sa kanya namang Facebook post. 

“jwu [Just woke up]! hindi lahat ng nanalo ng award magaling, yung iba scam.Gosh,” banat ni Guanzon.

 
Mukhang ang inuungkat n’ya dito ay ang nangyaring eskandalo noon sa 1994 Manila Film Festival kung saan nadawit ang aktres sa sinasabing dayaan during the controversial awards night.

Dito sumikat ang linyang “Take it, take it” ng dating actress-model and beauty queen na si Viveka Babajee na isa sa mga presenters noong gabi ng parangal. Inutusan daw kasi n’ya ang co-presenter na si Rocky Gutierrez na kunin ang cue cards kung saan nakasulat ang totoong nanalo.

Si Ruffa at ang leading man n’ya sa pelikulang Loretta na si Gabby Concepcion ang inanunsiyong nanalo bilang best actress at best actor that night. 

Pero inulan ito ng protesta dahil dinaya umano ito at ang real winners talaga ay sina Edu Manzano at Aiko Melendez.

Umabot pa ng senado ang hearing tungkol dito kung saan umamin ang mastermind sa eskandalo, ang talent manager and showbiz insider na si Lolit Solis at sinabing dinamay lang niya sina Ruffa at Gabby. Inabsuwelto rin ng korte ang pagkakasangkot ni Ruffa dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ngayong araw, July 13, muling bumanat si Atty. Guanzon sa kanyang FB post.

“Anong take it take it? no, thanks! Thou shalt not steal, the award!” patutsada n’ya kalakip ang screenshot photos ng kanyang academic and professional achievements.

Wala pang tugon dito ang kampo ni Ruffa.

YOU MAY ALSO LIKE:

Annabelle Rama, umaming naubos ang ipon noon para “gayumahin” si Eddie Gutierrez

Ruffa Gutierrez, aminadong Herbert Bautista gives her life an extra glow; says what they have is a “very relaxed and happy companionship.”

“Be kind to everyone, including your ex” statement ni Ruffa Gutierrez sa Instagram, sagot ba niya sa mga patutsada ni Kris Aquino sa Tarlac?

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency