RR Enriquez, nakukulangan ng dating kay Jane de Leon as Darna; “Parang mas panalo pa si Iza Calzado… Nasapawan talaga.”

PHOTOS: @rr.enriquezperez on Facebook & @imjanedeleon on Instagram
“Perfect sana si Liza Soberano na kahit hindi sya pa-sexy pero iba ang appeal.”—RR Enriquez on her Darna actress preference.
Umiral na naman ang pagiging sawsawera ng one-time TV host-turned-entrepreneur na si RR Enriquez. This time, nagbigay-opinyon siya ukol sa upcoming Darna series na pagbibidahan ni Jane de Leon, ang Darna.
Nakukulangan daw kasi s’ya sa sex appeal ng Kapamilya actress para gumanap bilang the said Pinay super heroine.
“Ok mag aagree ako dito kay Nay Cristy,” panimula n’ya sa kanyang Instagram post kahapon, July 15.
Ang tinutukoy n’ya ay ang opinyon ng veteran showbiz writer/host and insider na si Cristy Fermin sa radio and online show nitong Cristy Ferminute last July 15.
Sinabi kasi doon ni Manay Cristy na bagama’t pumalo sa mataas na views ang inilabas na trailer ng Darna series last July 7, mahina umano ang dating ng lead star nito na si Jane.
“’Yong teaser nila, ’yong trailer nila ang taas ng views. Pero si Jane mahina ang dating, ano? Kailangan paingayin si Jane, s’ya pa naman ang bida,” komento ni Cristy.
Ayon kay RR, hindi raw s’ya nakaramdam ng kakaiba nang mapanood n’ya ang trailer.
“Napanood ko din yung trailer. Wala ako nakitang special sa kanya. Walang kilabot or tindig ng balahibo,” pahayag n’ya.
Kulang daw talaga sa sex appeal si Jane kung ikukumpara ito sa mga naunang Darna sa kanya na sina Angel Locsin at Marian Rivera.
“I honestly don’t see any oozing sex appeal with her talaga… Unlike sa mga naunang Darna… Ang hirap naman kasi ng kalaban. Marian Rivera and Angel Locsin ba naman,” pagre-real talk pa n’ya.
Sayang nga daw at hindi natuloy si Liza Soberano na gumanap sa iconic role dahil swak daw ang aktres para dito.
“Perfect sana si Liza Soberano na kahit hindi sya pa-sexy pero iba ang appeal,” say pa n’ya.
Kung ganda lang at husay sa pag-arte ay may ibubuga naman umano si Jane pero nakukulanagan daw s’ya dito kapag appeal na ang pag-uusapan.
“Maganda naman itong batang ito at mukhang magaling umarte pero hindi talaga nabiyayaan ng oozing appeal… Ang bland ng dating nya,” komento pa n’ya.
Inunahan na rin n’ya ang mga mamba-bash sa kanya at sinabi kahit s’ya ay hindi nagagandahan nang husto sa kanyang sarili.
“Naniniwala ba kayo na may mga chararat pero ang lakas ng appeal? Huwag na ako mahiya, ibash ko na sarili ko,” sabi pa ni RR.
“Never ako nagandahan sa sarili ko. Average lang ako, pero iba ang sex appeal ko kaya ok na ako,” bawi n’ya sa sarili.
Palagay daw n’ya ay natabunan ng aktres na si Iza Calzado si Jane sa pagiging Darna. Si Iza kasi ang gaganap na ina ni Jane at unang Darna sa serye. S’ya rin ang ipinakitang Darna na magpapasa ng mahiwangang bato kay Jane sa inilabas na trailer ng ABS-CBN.
“So going back to Darna.. Parang mas panalo pa si Iza Calsado nung nag-Darna sya sa truth salad.. Nasapawan talaga,” aniya.
“Baka ibang project bagayan nya pa, pero not Darna… In my own opinion lang yan ha.. Kanya kanya tayo ng taste ok,” she added.
Pero umaasa naman daw si RR na baka magningning din si Jane kalaunan sa pagbibidahan n’yang serye at naunahan lang s’ya ng panghuhusga ngayong hindi pa naman ipinalalabas ang Darna.
“Pero malay naman natin baka bumagay din. Gulatin na lang tayo…. Let’s give her the benefit of the doubt #QueenSawSaweRRa,” pagtatapos ni RR.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment